About The Author

A father,loving and sweet husband my wife says.cool dad.funny according to my friends.

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Thursday, October 10, 2013

Badtrip!

May blog pala akong ganito. di ko na maalala kung kailan ko ito na umpisahan at bakit. Pero nung binabasa ko. halo-halong emosyon ng isang taong sa buhay ay madami-dami na ring pinag daanan.

ngayong araw...

May sakit ang misis at ako naman ay may maintainance sa high blood. walang pera at ilang araw pa ang susunod na sweldo. badtrip! back to square one lang. living by paycheck to paycheck parang walang alam sa dapat na gawin sa pera!!! parang hindi alam kung ano ang dapat unahin!
grrrrrrrrrrrrrrrrrrr.... sana sa isang linggo maayos ko to. nakaka badtrip talaga!
»»  read more

Friday, March 2, 2012

Walang pera.

Salitang madalas mo marinig sa mga taong totoong walang pera, Mga salitang lumalabas sa taong may pera pero ayaw magpautang. Sa mga taong may pera, pero tingin nila kulang pa sa kanila. Maririnig din sa mga taong ayaw manlibre, taong nagtitipid, kuripot, galit sa anak na nangungulit magpabili ng laruan. Sa mga taong gustong mabigyan sila ng pera ng kapatid or kamag anak na maraming pera. J

Walang Pera.

Ibig sabihin din nyan, pupunta na lang sa bahay ng kaibigan at duon tatambay at uubusin ang maghapon sa kwentuhang ang paksa ay paulit-ulit na ring naman nilang pinag uusapan pero, Masaya at nalilibang pa rin sila. Pwede rin namang iinom na lang nag maraming tubig dahil walang pambili ng merienda sa hapon. Oh kaya ay ang tirang adobo noong hapuan ang uulamin sa agahan. Oh kaya ay iri-redeem ang reward points para may pang text kahit 10 to all networks lang. Kaya imbes na makipag date eh tutulungan na lang ang GF/BF gumawa ng report nya sa school at sa lunes na ipapasa. Dami pa…

kahit na ano ang dahilan bakit ka walang pera, pwedeng isipin na may naitutulong din pala itong maganda. Mas nagmumukha kang tao kapag walang pera. Dahil kapag ang tao ay walang pera…. Mas nagiging totoo sya sa sarili at ganun na rin sa iba. Kamusta Wala ka bang pera???!!


Kung Meron...Mamigay ka! :-)

»»  read more

Monday, August 30, 2010

Tipid Tips nanaman


Well, Matagal-tagal din na hindi tayo naka pag pst at na update ang blog na ito. anyways, sa totoo lang. walang pera sa blog na ito. ito siguro marahil ang dahilan ng inyong hamak na lingkod kung bakit hindi na ako nakakapag post.hehehe. Pero, pinag iisipan ko kung paano magkakapera dito. una kasi, sa sariling wikang mahal nais isulat ng inyong lingkod ang blog na ito upang maraming maabot na mambabasa.(parang madami namang nagbabasa ng blog na ito!)n wahahaha. at nais ko rin paduguin ang ilong ng mga kaibigan kong sa America na lumaki ang nagpupumilit na magtagalog. natututo daw sila sa blog na ito. (pwede ko siguro silang i-charge para sa Filipino tutorial, Anyways, wala naman masyadong kita sa blog na ito.) Hello nga pala sayo yuuki.. (sa dami ng sites mo eh di ko na alam kung saan i-li-link ang name mo. send me a message para update ko na lang ang link sa name mo.)

Ok, Ok, sa Tipd tips na tayo.

Una, Upang makatipid kayo sa inyong mga bills, subukang gawin ang pamamalantsa sa umaga at hindi sa gabi. Simple lang, wag kang eng-eng, simple lang ang explanation dyan! kung sa umaga ka mamamalantsa, hindi mo kailangang gumamit ng ilaw para makita ang pinaplantsa mo.samantalang kung sa gabi mo gagawin, natural! kailangan mo pang mag sindi ng ilaw. paminsan-minsan, hindi masama na paganahin ang kapirasong utak, :-)

Pangalawa, Kung mag tu-toothbrush, ipunin ang huling pinag mumugan (yung wala nang toothpaste) sa isang bote or container at iyon ang gawing pang sabaw sa mga ulam na lulutuin, mas di hamak na malasa ito kaysa sa hugas bigas.(awww!)

yan na nga muna. parang sumama ang pakiramdam ko sa huling tip.wahehehe.

Enjoy life.. laging tatandaan, "Ang buhay ay mas masaya kung, nag tatanong ka"-Trail
»»  read more

Monday, March 22, 2010

Hiring... Promotional Models...



Been browsing the net and bump into this one. Sa mga mambabasa po natin. baka gusto nyo mag apply....
»»  read more

Tuesday, March 16, 2010

OK lang...


Kamusta? tanong ng kaibigan na matagal na hindi nakita at nakasalubong mo sa daan, sa palengke, sa mall. nakasabay sa bus. Ok lang-yan naman ang isasagot. casual, payak, maikling sagot sa nagtanong sayo.

Pero sa kabila ng mga matipid na suklian ng tingin at ngiti, napakalalim ng sagot na OK lang. sagot ito ng isang nanay na nakasalubong mo sa palengke na pabili ng gamot para sa may sakit na anak na naghihintay sa bahay. Ok lang, sagot sayo ng isang tatay na nakasabay mo sa jeep na nagmamadaling umuwi para iabot sa maybahay ang sweldo na kahit nag overtime na ay kukulangin parin. Ok lang... sagot ito sayo ng isang nag-aaral sa kolehiyo na nakasalubong mo nang kamustahin mo kahit na di alam pano ipapaliwanag sa mga magulang na may bagsak syang subject. Ok lang ang sagot sayo ng isang dating ka klase na luhaan ang pusong nasaktan at may problema sa kanyang minamahal. Ok lang...

Ganun nating mga Pilipino i-describe ang buhay, Ok lang. Ganun natin isalarawan ang buhay nating puno ng pagsubok. Ganun kung pano natin tignan ang kasalukuyang kalalagayan natin. Ano man ang dinaranas, Hirap, karamdaman, Kakapusan sa salapi, problema sa relasyon sa mahal sa buhay, sa eskwela, sa trabaho o sa bahay. Ok lang. Dahil ano pa man ang dumarating at darating, para sa Pinoy ang buhay ay Ok lang!

So, kamusta ka kaibigan?

-Trail po ito. sana ay ok ka lang.
»»  read more
Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.