About The Author

A father,loving and sweet husband my wife says.cool dad.funny according to my friends.

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Sunday, December 27, 2009

Trail's on vacation...



Sa mga masusugid nating mga mambabasa. maraming salamat po, Si trail ay nasa bakasyon kung saan, pinili nyang wag munang magbukas ng pc at mag connect sa internet. para naman masulit ang mga oras kasama ang mga mahal sa buhay. maaaring ang mga tanong ninyo ay mabibigyan ng kasagutan sa pag pasok ng bagong taon.

Mula po sa akin at sa aking Pamilya. bumabati kami sa inyo ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.

Ang aming Dalangin, Mas pinagpalang taon ang dumating sa bawat isa sa atin. hagang sa muli.

"Ang buhay ay masaya kung ikaw ay nagtatanong."-Trail
»»  read more

Sunday, December 20, 2009

Bakit ang kulangot pag nasa loob ng ilong mo di mo maamoy? Pero pag nasa daliri mo na mabaho na?


Tanong galing sa ka batch nating si Rafael Mendoza. ehehehe. generic naman ang name nya kaya nilagay natin ang full name.

Ang Sagot.

Una po sa lahat. hindi ito ang binalak at nasa isip ng inyong lingkod ng pasinayahan ang blog na ito. ngunit, kailangan bilang isang kunwa-kunwariang manunulat ay kailangan mong makasabay sa agos ng panahon.

Sa totoo ang kulangot ay masim-asim ang amoy ngunit maalat-alat pag natikman. eewwww! totoo po ito. kung hindi nyo pa alam, maaari nyong subukan. bumabaho ang kulangot pag nasa kamay mo na kasi ang totoo, ang kamay mo ang mabaho at hindi ang kulangot. kung saan-saan mo hinahawak ang kamay mo tapos pag bibintangan mo ang kaawa-awang kulangot.

May paraan naman para maamoy mo ang kulangot sa loob ng ilong mo kung ito talaga ang trip mo at ayaw mong magpaawat. naalala ko sinulat ko ito at pinasa sa lahat ng social networks. para sa iyo, po-post ko ulit dito.

How to Smell Your Booger inside Your Nose.

1. Make sure that your Booger is about 3-4 days old inside your nose. It is advisable that you should try to smell your Booger inside your nose during early morning of the day.

2. Determine which side of your nose host the Booger. If you are a left-handed person. choose the Right side of the nose to perform the next step. If you are right handed, choose the other.

3. Pinch the preferred side of the nose using your index finger until your nose' air passage is locked up.

4. Now, while holding the finger and locking up the nose' air passage, gently and slowly inhale allowing the smell of the Booger to penetrate to your senses. and your brain interprets the smell for you.

5. Repeat the process if desired or until you are satisfied.

Now, that's how you can smell yourBooger.
»»  read more

Friday, December 18, 2009

Mga tanong ni NV.

May mga Ilang katanungan po tayong natanggap sa ating suki at this time ay, Labin dalawang katanungan ito na sabay sabay nating sasagutin. Dahil po ito ay sa iisang Email nya lang pinadala. pahintulutan nyo na rin po ako na sa iisang post lang natin sasagutin upang bigyang daan pa ang ilan sa mga katanungan.. Hala!! Let's get it on!!

1. Ang lamok ba kapag natutulog sa labas ng kulambo, nilalamok din?

Sagot:

Hindi po. hindi sila nagkukulambo dahil simula pa ay ayaw na silang pautangin ng bumbay, sa pahulugang kulambo nito. Kaya, nagtitiis ang mga lamok na gumamit ng Dregown Keytol. kaso, pati sila Teypok din sa sarili nilang keytol. kaya, ang ginawa nila, nagpapaypay nalang sila habang natutulog.

2. Ang uod ba kapag namatay, inuuod din?

Sagot:

Dipende. ang Uod na namatay ay kasing laki ng elepante, natural, uuurin sya. pero pag maliit naman ang uod, nilalanggam lang.minsan ang ibang uod, may kakayahang humiling sa diwata nila na pag-anyuin silang matigas na ebak pag sila ay namatay, dipende sa bait ng uod, natutupad ang kahilingan nya.minsan naman, di sila inaabot ng kamatayan at nagiging langaw sila.

3. Bakit ang blackboard kulay green? bakit hinde greeboard ang tawag?

Ang Sagot:

Ewan ko sa inyo!, sa amin ang tawag namin dyan ay chalkboard. grade one palang ako chalkboardd na tawag namin dyan. wahehehehe..

4. Eto medyo sensitive na tanong. Nangangak ba ang mga bakla, kung nde, paano sila dumadami?

Ang Sagot:

Sensitive nga. wag natin itong sagutin at baka may ma-offend sa ating mambabasa. kung meron po tayong ka "federasyon" dyan na gustong sagutin ito, paki sagot nalang po. email ako para post natin ang sagot dito.Paumanhin sayo Master NV.

5.Hinde ba pwede kainin sa hapunan yung laman ng lunchbox?

Ang Sagot:

Hindi. ang nakalagay sa lunhbox ay para sa Lunch lang. mahigpit na utos yan ng mga ninuno natin. ang pwede lang kainin sa hapunan maging sa Agahan ay yung nakalagay sa tinatawag nating Bugong.Tama! kung bugong ang baon mo, pwede mo kainin sa hapunan yan. lalo na't hindi pa panis. pero kung sa lunchbox, para lang talaga sa lunch yan.

6. Ano ba ang apelyido ni Jollibee?

Ang Sagot:

Nalilito rin ako, ang sasagot ko sayo ay kung sino ang tatay nya, ang isang pampasabog at maaaring ikatalo sa election ngayong 2010. Si Sherap! mga mambabasa ang Tatay ni jollibee. ngayon di ko lang sigurado kung Ejercito o Estrada ang dinadala nyang apelyido, Paano ko po ito nasabi? tignan nyong mabuti, lahat ng Pangalan ng anak ni Sherap ay nagsisiumla sa "J". Jinggoy, Jude, Jackie, Jv at...jollibee. matalino din ang mga Advisers ni Sherap iniiba-iba minsan ang apelyido ng anak nyang si Jollibee. dipende sa kung nasaan si Jollibee. minsan, Jollibee Sta.Mesa, Jollibee Sta.Cruz. Meron din atang Jollibee Ampatuan.dipende kung nasaang branch.

7. Kapag ang sabon ba nadumihan, kailanga din ba sya sabunin?

Ang Sagot:

Hindi na po kailangan. ang kailangan lang gawin at Banlawan sa maligamgam na tubig ang sabon at wag hayaang matunaw. patuyuin at pwede na muling gamitin.

8. Kapag ang isang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?

Ang Sagot:

Tama ang isang bahagi ng tanong mo. Dudumi ang Tubig at Patay ang Ipis! yun ang totoong mangyayari

9. If you expect the unexpected, wouldn't the
unexpected be expected? Kasi expected mo na sya, kaya nde na sya unexpected?

Ang Sagot:

Mali. If you expect the unexpected, ang tawag sayo, manghuhula! punta ka sa Baclaran, Pwede nating ikayaman yan. at kung expected mo na sya. ang tawag na dun ay Predictable! wahehehehe

10. Isa pang sensitive na tanong: Kapag ang bading o ang tomboy nagka-amnesia, bading or tomboy pa rin ba ang pagkakakilala nila sa sarili nila?

Ang Sagot:

Mali. nagiiba ang pagkakakilala nila sa sarili nila pag sila ay nagkaka amnesia. ang mga bakla tingin nila sa sarili nila ay sirena! ang mga Tomboy naman Syokoy.

11. Pwede ba magsuot ng evening gown sa umaga?

Ang Sagot:

Pinag talunan na ito ng dalawang nagbabanggaang relihiyon sa ating bayan, sabi ng isa, wala daw mali sa pagsusuot ng evening gown sa umaga. Basta, lagi mo lang daw babatiin ang mga nakakasalubong mo ng "Good evening po!".

12. Kung coffee break, kapa lang ba ang pwede inumin? nde pwede coke or tubig?

Ang Sagot:

Ang totoong sagot ay Mali na uminom ng Kape during Coffee break , ito ang hindi maintidihan ng mga tao lalo na ang mga call center agents na nahilig sa Starbucks coffee, mga mambabasa, pakinggan at unawain maigi ito. Hindi Pwedeng uminom ng Kape kapag Coffee Break!!!
Dahil, Coffee Break nga. naka Break ang mga Kape kaya wala sila! Ngunit ito ang tapat tandaan kung gustong uminom ng Softdrink or tubig during coffee break.kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat at huwag gatas. (Milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)


haaayz..... kakape lang ako. enjoy your day.
»»  read more

Pasyal, Pasyal

Sinabihan ako ng doctor ko na matigas ang ulo. Sabi ko sa kanya, pasalamat sya at may pasyente syang matitigas ang ulo. Kung hindi eh Patay ang Negosyo nya. anyways, sa inyong mga tanong mga Kaibigan, pahintulutan nyo rin naman po akong, mag meditate at maglakbay sa kabilang daigdig na parang Avatar para sa pagbabalik ko sa tunay na Mundo natin ay masagot ko ang mga tanong nyong lubha atang pinag isipan. ehehe.

Ngunit ang inyong lingkod ay patuloy na magsasaliksik sa mga tanong na bumabagabag sa inyong isipan. mga tanong na maaring di man lang nahanapan ng kasagutan. ayoko kayong biguin kaya't nais ng inyong lingkod na mabigayan ng kasagutan. anyways....
Dito na lang muna. kahit bawal ay nais kong magkape.
»»  read more

Monday, December 14, 2009

Bakit nakalabas ang brief ni Superman? Sana masagutan mo ang tanong ko na matagal na bumabagabag sa isipan ko.


Tanong mula kay Jas

Ang Sagot

Naku, talaga namang "bumabagabag" pa ang term na ginamit. tsk tsk tsk. di ka naman nagka insomnia dahil dito? Kung alam lang sana ni Superman na nakakapagpabagabag ang pag-susuot nya ng brief sa labas ng hapit na pantalon... Ang malupit pa nito mga mambabasa, nakuha pang magsuot ng dilaw na sinturon pagkatapos mag suot ng brief sa labas!!! Ang lakas ng tama eh!! Dapat siguro dito kay Pareng clark eh gawing honorary member ng Talkph at libre ang kanyang pagiging premium member dahil sa lakas ng trip nya.

Isa pa, nagtataka rin ako, Diba sya ay isang Alien, galing sya sa Krypton? pero pwede sya mag stay sa America, samantalang ang dami nating mga kababayan na hinuhuli pag over staying na sa US. Illegal Alien daw sila. eh taga earth naman sila. Samantalang si Superman na totoong Alien dahil galing sya sa Krypton, binigyan pa nila ng American name na Clark, at may disenteng trabaho huh?!

Well, Maiuugnay natin ang pag susuot nya ng brief sa labas at ang kulay na pinili nya, yung kulay pula sa maraming bagay. tulad ng dati, di ko na masyadong pahahabain, maraming nagsasabi na nagla-loving -loving sila ni darna este ni wonderwoman nang may biglang humingi ng tulong sa kanya, kaya sa kamamadali, nasuot nya yung pantalon bago ang brief, para hindi daw mahalata ng mga kasamahan sa hall of justice, ginagawa na nya ito simula noon, para sabihin na style nya daw talaga yun.

Pero ang mas tiyak ko, may kinalaman ito sa mga fans nyang may paghanga sa kanya, ang mga manananggal,(para sa mas malalim na impormasyon sa manananggal, tignan ang luma kong post sa blog na ito tungkol sa manananggal.) dati kasi, nahihirapan si Superman sa misyon nya, dahil pag lipad nya, sasabyan sya ng mga karengkeng na mga manananggal at nawawala ang pagka conservative ng mga ito pag nakakakita ng Kano na lumilipad, so sa kalawakan, nagpapa autograph sila at picture taking, patay na yung tutulungan ni Superman bago pa makarating. kumunsulta sya sa isang manghuhula sa Baklaran, sabi sa kanya, mag suot ng pula para hindi malapitan, at yun na nga, naghanap nya ng pulang brief sa baklaran at sinuot nya, simula noon, hindi na sya malapitan ng mga Talanding manananggal dahil takot sila sa kulay pula.
»»  read more

Sunday, December 13, 2009

Ano po ba ang nauna: ang itlog o ang manok?

Ako po ay may katanungan na akin na nakatandaan.
Nawa'y sa blog nyo ako ay tuluyan na maliwanagan.

Eto po ang akin katanungan.

Ano po ba ang nauna: ang itlog o ang manok?

Tanong po mula kay nvtellan. tignan nyo ang una nyang tanong tungkol sa pag ihi ng aso at alamin kung pano magkapera online.
dito >>> bakit naka taas ang paa ng aso pag naihi?


Ang Sagot

Kinamatayan na ng mga Naunang Scientist at mga Church Fathers ang Tanong na ito. Para po sa kaalaman ng ating mambabasa, ito ay isang tanong na kasing tanda na rin ng panahon pa ng paglikha or tinawag na Creation Theory. Alam nating lahat na noon pa, may conflict of interest na ang mga Church at ang Science. Maraming bagay ang kainalang di pinagkakasunduan. DAlawang mukha ng katotohanan ang aking ilalahad tungkol sa tanong na "Ano ang nauna; ang itlog o manok ba?" upang sa ganun. kayo na rin mga mambabasa (tutal, ta-tatlo lang naman ang mambabasa ko.-hehehe kasama pa ang lola ko na bulag na dahil sa katarata, kaya ako na rin ang nagbabasa para sa kanya! pero counted sya sa mambabasa huh?!- pag di nyo sinama magiging dalawa na lang. kawawa naman ako.) Ano na nga ba yun?.. ahhh... upang kayo na rin mga mambabasa ang makapag pasya kung aling katotohan ba ang inyong yayakapin at paniniwalaan hanggang sa inyong pag panaw.hehehe

Sang Ayon sa Science,Itlog talaga ang nauna. dahil sa ang foundation nila ay Reasons, naniniwala sila na kailangan muna ng lilimliman bago ang maglilimlim, dahil kung nauna ang manok, wala itong lilimliman. saan naman nagmula ang itlog? marahil tanong ninyo, may living micro organism sa pupu ng dinosaur at ito ay nag "mutate" at naging itlog, ito ang tinatawag nilang Theory of LO-dyes! na ngayon ay ginagamit na ng mga sabungero sa pag taya sa sabong. lo-dyes! lo-dyes! toinks!!!

Syempre, mahigpit na tinututulan ito ng Simbahan at sang-ayon sa kanila,ito ay isang paglabag sa creation order na sang ayon sa pinaniniwalaan ng bawat simbahan. Sang ayon sa kanila, Manok ang nauna at hindi itlog. sa katunayan, Mali nga ang tanong na "Ano ang nauna, itlog ba or manok" dahil malayo pa daw ang distansya ngmanok sa itlog sa creation order. dahil ganito daw nilikha ang daigdig.. inorder. Langit at Lupa, Tubig, Mga Halaman Mga hayop (kasama ang manok),Si Adan, Si Eba.

So, Langit at Lupa,Tubig, Mga halaman, Mga Hayop(kasama ang manok), Itlog at hotdog ni Adan, Monay ni Eba.
»»  read more

bakit nakatingala ang ulo ng manok kapag umiinom ng tubig?


Tanong Mula sa ating suking si Solidus37. Hanapin sa mga recent post ang iba pa nyang tanong at makikira rin doon pano magkaroon ng libreng debit card.

Ang Sagot

Malapit ang trachea at esophagus ng manok tulad din ng sa tao.Kaya delikado para sa kanila ang ma aspirate. Tumitingala ang manok para ma-promote ang gravity upang ang tubig ay dumiretso sa butse nila. Di na natin sana pinag uusapan ang Anatomy ng Manok kung naturuan lamang sila ng nanay nilang gumamit ng straw. di sana hindi na sila kailangan tumingala para malunok ang tubig.

Sabi naman ng mga mahilig sa sabong, napapatingala daw sila sa langit kasi tinatanong nila ang si San Pedro ang Patron saint nila. "San Pedro, bakit po umiinom naman ako pero hindi ako na ihi?" ehehe. toinks!!! naiingit kasi sila sa mga aso na umiihi, at gusto din nila matutunan ang pag ihi sa ere ganung walang hirap para sa kanila ang pag lipad. kaso, yun nga. malungkot sila. marunong nga silang lumipad, di naman sila naihi, sayang lang.
»»  read more

Bakit ang aso, nakataas ang isang paa kapag umihi?



Tanong mula sa isa ata sa mga haligi ng Talkph nasa si Master nvtellan kung gusto nyong kumita ng pera online, just click the name baby!

Ang Sagot

Bago ang Lahat, nais nating pasalamatan si nvtellan sa pag dalaw sa ating blog. karangalan na tapunan ng iyong pansin. at nag iwan pa ng tanong.

Hmmm.... Parang bigla kong na miss si Super Dog!. anyways, may ilan ding kadahilanan kung bakit nakataas ang isang paa ng aso kapag umiihi. dati nung kabataan namin, pag umuuwi kaming lasing ng mga kabarkada ko ay, iba iba ang trip namin.minsan, umiihi kami habang naglalakad, minsan naman nais naming ihian ang isa't isa. at dito natuklasan namin, na mahirap umihi ng nasa ere, or tatalon ka para ihian ang iyong kaibigan habang di nakasayad sa lupa ang mga paa mo. ambisyoso ang mga aso, dati gusto nila yung ganun. payabangan sila, iba't ibang style at pakulo ang ginagawa nila sa pag ihi.

pwede rin sana silang umihi ng paupo, kaso, ayaw nila baka daw sila mapagkamalang babae. at tambangan sila ng mga lalaking aso at rape-in sila.hehehe. sakit siguro nun.wahehehehe. tapos, wala silang kamay, di tulad natin, (ng mga lalaki) kayang kaya natin asintahin kung saan natin papapuntahin yung ihi natin. minsan, gusto natin mas mataas pa sa atin ang ihi natin kaya itututok natin pataas.hehehe minsan naman gusto natin basain yung katabi natin kaya, babaluktutin natin ang ating "pagkalalaki" ay!... hindi... ganito pala para malaki "PAGKALALAKI" wahehehe. minsan, pag naakyat ng bundok, pwede narin pang hugas ng paa pag mahirap makakuha ng tubig kaya itututok natin sa mga paa natin. para habang naihi ay nahuhugasan ang mga paa.hehehe. Di kaya ng aso yan dahil wala nga silang kamay. at ang huli, natatakot sila pag umiihi, nababasa ang pundasyon ng pader, iniisip nilang baka bagsakan sila ng Pader.kaya tinutukuran nila yung pader habang naihi.hek hek hek.

Teka , Ihi lang ako. hangang sa muli.
»»  read more

Ano pinagkaiba ng man on the moon sa man on the earth


Tanong po natin mula sa hinahangaan natin si solidus37 ng Talkph. kung gusto nyo ng libreng debit card click lang ang kanyang name.

Ang Sagot

Una. paumanhin sa image at yan alng ang nakita ko.hehehe

Maraming pagkakaiba ang isang taong nasa earth at isang taong nasa moon.

Maliban sa yumaong si MJ, kailangan nasa moon ka para gawin ang isang Pamosong "moon walking". kung dito sa earth mo gagawin yan. lalo na sa bahagi ng metro manila.hehehe. humanda ka, dapat alam mo ang ating Pambansang Awit na Lupang Hinirang o kaya naman. may lamang limang daang piso ang wallet mo dahil hindi moon walking ang tawag dyan kundi Jaywalking. Wahehehe. korni!!! toinks!!! Pangalawa, Sa earth, minsan minsan ay nawawalan ka ng signal sa network provider mo. Samantalang sa moon, para kang taong adik sa ka te-text at kaka wifi at umakyat ka pa sa tower ng internet provider mo para lang mag online. remember, ang moon ang satellite ng earth and the rest is just artificial. Pangatlo, Kung ang tao ay nasa moon, hindi na Sya maiko-consider na isang man. kundi ang tawag na sa kanya ay "alien" at hindi lang basta alien kungdi "Illegal Alien".

Tinanong ko ang teacher ko at ito naman ang naging sagot nya, Sa moon, gumagaan ang itlog ng tao. ahh... eeh... ang ibig kong sabihin, ang body mass ng isang tao dahil sa mas mababa ang gravitational pull ng moon kaysa sa earth.(May hang-over pa ata ako sa tanong ng prof ko tungkol sa size ng itlog ng lalaki.) Di kaya may Assignment lang ang anak ni master solid kaya naitanong nya to??!! waahhhhhahaha. Pero, hindi, alam naman ng lahat ng Talkph members na si Solidus ang isa sa magagaling na member ng forum, sa katunayan sya ay ang nag-iisang nominado sa Most Valuable non-staff Member ng 2009 ayan. okay okay., yan na muna ang sagot ko sa tanong ni Master solid. kung may naisip po kayong may mas sense kaysa sa post ko.hehehe paki lagay nyo na lang po muna sa comment. maraming salamat.
»»  read more

Friday, December 11, 2009

Bakit napuputol ang katawan ng manananggal? Hindi po ba sila pwedeng lumipad kasama ang mga paa?


Tanong po mula sa isa sa magagaling na mods ng Talkph na si Realm of a Dreamer

Ang Sagot


Kung nais nating malaman ang origin, babalik tayo sa mga nagdaang panahon. hindi ko na po babanggitin ang lugar dahil sa totoo, may mga kaibigan tayong malalapit sa puso natin sa lugar ng manananggal.

Mayroong tinatawag na "Manananggal Chamber of Commerce", at dito, nagtitipon-tipon silang mga mananaggal upang pag usapan ang kanilang buhay manananggal. naalala ko may website pa sila pero wala na sigurong nag aasikaso, kaya down na ngayon. nag suggest naman ako ng blog na lang. Aba! ang mga lola nyo! sosyal, ayaw ng blogspot at gusto ng self hosted. Naisip ko, kung buhok nga nila wala na silang panahon magsuklay, pano pa ang pag update ng blog at website diba?!

So, balik tayo sa tanong ni Ma'am Realm, Dati, lumilipad sila na hindi hati ang katawan. at marami silang complaints at suggestions na na re-receive mula sa mga kaibigan at kapwa na rin manananggal. dalawang bagay ang malimit nilang napag-uusapan sa mga monthly meetings nila sa Chamber.

Una, ang pag-aakala ng mga tao na si Superman at hindi manananggal ang lumilipad- nagagalit sila rito dahil nais nilang panatilihin ang image nila na isang makakatakot na nilalang at hindi isang Superhero.Kahit kasi manananggal sila ay pusong Pinoy pa rin sila. sabi nila, may sarili silang pagkatao.. este.. may sarili silang pagka... ano ba tawag dun? pagkahalimaw? pagkaaswang... basta ganun.

Pangalawa at ang mas ginagagalit nila, kung lumilipad sila ng kasama ang buong katawan, Nakikita ng mga tao ang Panty nila. nasa puso pa rin nila ang pagiging babaeng Pilipina.at conservative sila. kaya hindi pwede na libre silip ang mga lalaki sa kulay ng Panty nila. kaya napagkasunduan nila sa Manananggal Chamber of Commerce na simula noon, iiwan na nila ang kalahati ng katawan nila. para hindi sila mapag kamalang si Superman, at para hindi makita ng mga tao ang Panty nila.
»»  read more

Bakit po magkaiba ang size ng itlog ng lalaki?


Isang tanong ng isang mambabasa na ayaw magpakilala! Ang kapal mong magtanong ng ganito tapos ayaw mo magpakilala!! buset!! pero sa larangan ng patas na pamamahayag at sa ngalan ng katotohanan. itatago ko ang iyong kahihiyan.

Clue: mula sa professor ko nung college.pinasa ako sa subject nya kahit di ako napasok.

Ang Sagot

Sa totoo po, nagdadalawang isip ang inyong lingkod sa pag post at pag sagot sa tanong na ito. pero dahil mabait naman ang Professor ko at gaya nga ng una ko nang pahayag, ipinasa nya ako kahit hindi napasok sa subject nya. sasagutin ko na rin.

Mga magulang gabayan nyo po ang mga batang mambabasa.

Noon unang panahon, pantay talaga ang itlog ng mga lalaki. Masaya nila itong tinitignan, hinahawakan, kasa-kasama lagi saan man sila magpunta. ngunit napansin ng Mayor ng Bayan na nalilito ang Lalaki kung saan ang kaliwa at kanan. kaya naisip nya na mag pasa ng isang batas na magtuturo sa mga lalaki kung saan ang kaliwa at kanan, ngunit sa dami ng mga batas na sinubukan nya at ng kanyang mga Kasama sa panunungkulan, wala ni isa rito ang nakapag turo at nakapag paalala sa mga lalaki ng kanan at kaliwa nila. Minsan, habang nakaupo ang Mayor ng Bayan, at nag-iisip ng malalim kung paano lulutasin ang problema ng kanyang bayan, biglang napatayo siya dahil ginagat ng langgam ang isang itlog nya. halos mapaiyak ang Mayor sa sakit at hapdi. sa sobrang galit ay kinuha nya ang martilyong nakapatong sa mesa at sa galit ay pinukpok ang langgam, ngunit nakalimutan nyang ang langgam ay nakakagat pa rin sa itlog nya!. pag pukpok ng Mayor sabay syang nawalan ng malay. nang mahimasmasan at nagkamalay. Napa sigaw sya ng Eureka! Eureka! na ang ibig sabihin ay I found it! I found it!
Pinapila nya ang lahat ng kalalakihan ng Bayan at sinimulan ang pagpapakagat ng kanilang isang itlog sa langgam sabay pupok ng martilyo sa isa pa. dito nagsimula matuto ang mga lalaking matandaan kung saan ang kaliwa at kanan. Simula noon, hindi na rin naging pantay ang kanilang mga itlog.


para sa medyo seryosong sagot: ang testicle ay isang muscle kung saan nangangailangan ng init. kaya't kailangan nya na malapit sa katawan para mainitan,so ang dalawang itlog ay naghihilahan para lumapit sa katawan, kung malapit ang isa, lalayo naman ang isa. kaya ang isa ay lalaki at ang isa ay liliit. sa mga kalalakihan, pwede nyo itong mapatunayan kung susubukan nyong hilahin ang isang itlog nyo. wahehehehe.
»»  read more

Wednesday, December 9, 2009

How many lives does a cat really have? It’s only a juvenile question, nevertheless it's always got my thoughts.


Some people believe in the superstition that cats have nine lives, because cats can survive falls from high places with few, if any injuries. This gives the appearance that the cats return to life after sustaining a fatal accidents. Granted, they may sustain minor injuries, such as bloody noses, cracked teeth, or a few broken ribs, but they live to recover.

Pero sa katotohanan, Ipinagtanong ko ito sa mga mas nakakakilala sa mga pusa, yung nag su-supply ng siopao sa mga school at sa mga fastfood sa Pinas. waaaaaah.... hindi naman daw talaga sila naniniwala na Siyam or 9 ang buhay ng pusa, sang ayon sa kanila, isang saksak lang daw ay namamatay na rin kagad ang pusa, walang kahirap-hirap nila itong nagagawang siopao, ngunit hindi ako nakumbinsi at tinanong ko ulit sila. parang follow up question sa mga talk show. ganito ang tanong ko, pano po kayo nakakasiguro?, papaano kung pang siyam na buhay na ng pusa yun bago nyo sinaksak?. talagang patay na sya sa isang saksak lang dahil wala nang natitirang buhay, di rin nakasagot ang Kuya na taga gawa ng siopao. nagmuni-muni ako. sa pagkakataong ito ay hindi nasagot ang tanong ko. pati ang Kuya ay napaisip din. inalok niya ako ng siopao, tinangap ko ito at aming pinasaluhan,habang ako ay malalim na nag-iisip parin. nang di namamalayan ay naubos ko ang siopao, pag tingin ko sa aking orasan ay pa gabi na pala. nagpaalam na ako sa kuya at nag pasalamat dahil pinaunlakan nya ang aking Pakikipagpanayam, natuwa ang Kuya sa akin at pinabaunan pa ako ng siopao, masaya akong umuwi na bitbit ang pasalubong. parang commercial lang ng Goldilocks.

Sa kasalukuyan ay isa paring malaisipan ang tungkol sa siyam na buhay ng pusa.
Oo nga pala, May natitira pang siopao mula sa bigay ng Kuya. kung gusto nyo pwede ko pa Fedex sa inyo. sabihin nyo lang. sagot ko ang padala nyo.
»»  read more

Babae ba si Winnie the Pooh o Lalaki? And ano real name nya?


Tanong mula sa sampu nating masugid na mambabasa. pero ibibigay ko kay Jas ang credit dahil Email nya ang unang nakarating sa atin.

Ang Sagot

Si Winnie the Pooh sa kaalaman ng lahat ay isang Bakla! He is gay! isang kattohanang itinago sa mga manonood ng kanyang programa.Noong una, inisip na ng manager nya na isiwalat na ang katotohanan ngunit nangangamba sila na baka pagbawalan ng mga magulang ang kanilang mga anak na panoorin ang kanyang programa.kaya't hindi na nila itinuloy ang Press Con.

Dito nyo sa Trail Sign unang mababasa at malalaman ang tunay na Pangalan ng batang bakla. ang Tunay na Pangalan nya ang Fernando Pooh the 3rd !!! TAMA!! Tatay nya ang yumao at idolo nating Si Fernando Pooh Jr. or Tito Ronnie Pooh para sa malalapit sa kanya.

Mahal na mahal nila F-Pooh-J at Tita Susan Roooces ngunit nalaman nilang sya ay bakla at ikinahiya nila ang kawawang bata. kaya't itinago nila Sya, Di pinag suot ng Pantalon. (kung mapapansin nyo. wala syang suot na pantalon sa mga Show nya.) dahil naisip nila na kung pag papantalunin nila si Winnie ay malalaman ng mga tao kung sino ang tatay nya. dahil bata pa si Winnie the Pooh ay tulad na rin sya ng Tatay nyang laging naka pamulsa.(laging nakalagay sa bulsa ang mga kamay) habang naglalagad ng parang kuba at patagilid.

Iyan po ang tunay na katauhan sa likod ng Isang masayahing batang si Fernando Pooh the 3rd o mas kilala natin si Winnie the Pooh.
»»  read more

boss, kelan daw ang ating christmas party? meron ba kmi? lol.. saka kelan poh ang bakasyon?

Tanong mula kay Miss Jen na nag wo work sa Partshangar.

Ang Sagot

Aba! anong oras mo ito ipinadala sa Email?! nakuha mo pang mag tanong dito bata ka!hehe. balik sa Trabaho! ay! teka uwian nyo na pala. Sige, balik na lang mamaya.hehehe
Ang Christmas party natin ay sa Dec. 26 ata. ewan ko ba, hindi pa sinasabi ni Jay sa akin. sya ang pinag orginize ko.hehehe ang bakasyon nyo ay mula Dec. 24 (US time and calendar) until Jan. 4,2010. Ayan nasagot ko na ang tanong mo.
»»  read more

Trail na e-expire ba ung lason?... matagal ko na kasi gusto itanong yan ....


Tanong mula sa paborito kong Talkph member na si Jasmine. sorry, di ko alam ang blog nya. need nyo naman naging talkph member para makita ang profile nya.

Ang Sagot

Isang napapanahon na tanong dahil usong uso ang inuman ng silver cleaner.
Ang Lason ay totoong na e-expire din. para ito mapatunayan. subukan mong mag hanap ng lason sa waltermart or sa drugs store at makikita mo na may nakalagay na "Best Before" sa label nya. ibig sabihin mas epektibo ang lason kung iko-consume sa nakatakdang "Best Before".hehehe

Pero ang mas malupit na follow up question ay, kung ang expired na lason ay nakakalason pa rin ba? nyahehehe. ang sagot ay hindi na. Pano ko napatunayan? yan marahil ang tanong ng aking mambabasa, simple lang. sinubukan ko na yan sa ex-girl friend ko ng ayaw nyang ibigay ang passbook namin bago kami nag hiwalay. ang gaga! hindi alam na "OR" naman ang nakalagay sa joint account. kaya inunahan ko sa pag withdraw. buset! pera ko naman yun. kaya sinubukan kong lasunin, pero di ko nabasa ang "Best before" sa label, at na expire na pala ang lason. ayun, buhay parin ang luka-luka! pero mabuti't hindi nya nakuha ang aking pera. wahahahaha

Ayan, nawa Jas ay napangiti ka nanaman sa aking sagot. maraming salamat.



Disclaimer: walang ex-girlfriend si Trail na namatay sa panahon ng pagsulat ng blog na ito. at wala rin ex-girlfriend na tinangkang lasunin. ang lahat ay likha lamang ng malikot na pag-iisip ng may akda. in short, may problema siguro sa isip ang may akda.
»»  read more

Why do we associate Christmas with Santa Claus

A question asked by yuuki for more info about yuuki visit her blog it's not always about me...
Well, actually it's her blog but as her blog says, it's not always about her. Oh well, just visit it and you'll know what I am talking about.


The Answer

The origin of Santa Claus begins in the 4th century with Saint Nicholas, Bishop of Myra, an area in present day Turkey. By all accounts St. Nicholas was a generous man, particularly devoted to children. After his death around 340 A.D. he was buried in Myra, but in 1087 Italian sailors purportedly stole his remains and removed them to Bari, Italy, greatly increasing St. Nicholas' popularity throughout Europe.

His kindness and reputation for generosity gave rise to claims he that he could perform miracles and devotion to him increased. St. Nicholas became the patron saint of Russia, where he was known by his red cape, flowing white beard, and bishop's mitre.

Blah....Blah.....Blah.....

After the Reformation, European followers of St. Nicholas dwindled, but the legend was kept alive in Holland where the Dutch spelling of his name Sint Nikolaas was eventually transformed to Sinterklaas. Dutch children would leave their wooden shoes by the fireplace, and Sinterklaas would reward good children by placing treats in their shoes. Dutch colonists brought brought this tradition with them to America in the 17th century and here the Anglican name of Santa Claus emerged.

Blah...Blah...Blah....

What more important is this Trivia;

According to experts, There are only 3 stages in a Men's life

1. He believe in Santa Claus.


2. He doesn't believe in Santa Claus.


3. He became Santa Claus.

Santa's On vacation here by the way... hehehe

»»  read more

Bakit sa tingin mo kapag naghihikap ang tao ay tinatakpan nila ang kanilang bibig ?



Tanong po mula kay aya A.K.A sweet and spicy dalawin nyo ang blog nya para malaman ang sweet and spicy adventure ng kanyang buhay.

Ang Sagot

Maraming dalahilan kung bakit nagtatakip ng bibig kung naghihikap (naghihikab-sa ilang lugar sa Pinas). Una, ayaw nila lalu na kung babae na makita ng publiko kung gaano talaga kalaki ang bibig nila,heheheh, minsan naman, baka kasi makita na may sapot ng gagamba sa loob ng lalamunan nila.Pangalawa, baka daw pasukan ng langaw sabi ng matatanda.(pero sa tanda kong ito, hindi naman pinapasok ng langaw ang bibig ko pag naghihikap) waaahahaha. nahalata tuloy na hindi ako nagtatakip ng bibig.hehehe joke lang yan syempre.at ang Pinaka totoong dahilan, kaya nagtatakip ng bibig ang tao kapag naghihikap, kasi mahuhulaan ng mga tao ang ulam nya kahapon.


hehehe.para sa medyo seryosong sagot, kasi kung ipapakita mo sa tao na ubod sarap ang hikap mo sa sobrang sarap ay kasya ang MRT sa bibig, maiingit sila at gugustuhin din nilang mag hikap. subukan mo. wag ka magtakip pag nag hikap ka.hehehe. lahat ng tao ay magsisimulang mahawa at isa-isang maghihikap.
»»  read more

Bakit palaging hamon ang nakahain sa mesa pag pasko?

Tanong mula sa Talkph member na si solidus37, kung gusto nyo magka debit card ng libre, click nyo ang name nya.hehehe

Ang Sagot:

Sa buhay nating ito lalo na kung ikaw ay isang Pinoy. Nakasanayan na na Hamon ang nakahain sa mesa pag pasko. Bakit nga ba?? pwede naman sigurong Mamon, Pansin Bihon, or kung talagang walang wala, Karton! pwede rin yun.Kung tutuusin, hindi lang sa Pinas ganito ang nakagisnan.maging sa ibang bansa man, hamon parin ang nakahain sa kanilang hapag kainan sa araw ng pasko.

sa mas seryosong sagot,(kung seryoso nga para sa mambabasa) turkey,lamb, or iba pang mamahaling karne ang talagang inihahain, ngunit naging alternatibo ang Ham para sa mas mura ngunit masarap paring kainan sa pag salubong sa pasko.

Eh pero, Maano naman kung hamon ang handa nyo solid? ayaw mo ba? kung nagsasawa ka na. ibigay mo na lang sa akin.hehehe pero kung hindi pa. kainin mo nalang yung handa nyong hamon. wahehehe

uu nga pala. para sa mga hindi pa nagsasawa sa hamon. ito ang isang recepi ng Chinese Ham. wahahahaha...

6-8 Servings


1 leg cured Chinese ham (about 3 pounds)
2 cups pineapple juice (approximately)
1 6-ounce can pineapple rings

GLAZE:

4 cups brown sugar
1 cup pineapple juice

Cooking Instructions:

Soak ham in water to cover overnight. Then place meat in a large pan and add enough
pineapple juice to cover it three-quarters of the way up. Simmer, using 20 minutes per
pound as a guide for how long to cook. Trim fat off ham if desired.


Preheat oven to 350 F. Mix brown sugar and pineapple juice and glaze ham with the
mixture. Bake for 30 minutes. Cut into serving pieces. Garnish with pineapple rings when
serving.
»»  read more

Itanong mo kay Trail (Ask Trail)

This is dedicated to all who wanted to ask questions and wanted to find answers. Tagalog or English is acceptable.And your lowly servant will do his best to find answers to your questions.

Ask anything under the sun, and together, let's enjoy finding the answer.

Thank you, You're question will be answered very very soon.


Pangalan (Name)
Email Address
Kasarian (Sex)
Tanong (Question)
Image Verification
captcha
Please enter the text from the image:
[ Refresh Image ] [ What's This? ]




EmailMe Form - A free service offering customizable web forms ( Contact forms, online Questionnaires and Surveys ) and they host it on their server, so it works with any site, regardless of the ability to run scripts.
»»  read more

Eye Problem

Today, upon visiting my doctor, I kinda feeling generous I decided to pay him a visit, since I am winning in an online casino lately,(well, most of the time I am), Why not visit him and give him Php 500 and buy some of the medicines He has in his clinic.lol So, I found out that I have this high pressure in my eye that causes my head ache. good thing My talkph family convinced me of seing my doctor.

Now I have to take some good old medicines and an eye drop for two weeks before seing my doctor again. well, I guess, He wanted some Christmas presence from me that's why he wanted me to come back 2 days before Christmas !!!!
»»  read more

Tuesday, November 24, 2009

Following Trail Signs- My blog Debute

rocks, strings, foliage, branches, or hack signs on tree trunks that mark the designated route.

Trail signs are a way to leave a message so another group can find or follow you in the woods. These can be made using sticks, stones, or other available materials and should be placed where they can readily be seen by those whom you want to follow you.
It is important when making trail signs that any wood or plant materials that you use that are “dead and down,” and before moving any item, you make certain you are not directly disturbing any visible habitats or creating opportunity for excessive erosion or other dangerous situation.
»»  read more

Monday, September 14, 2009

Link Exchange

Dito po, nakikipag palitan si Trail ng link via Text link or via graphics. Email lang po ako sa younghamir@gmail.com

Text link: Trail Sign
URL: http://trailsign.blogspot.com/


OKRAY PINAY
It's Not Always About Me
Drama Queen
Scientific Blabber
All About oBizz
One Corner of my Life
»»  read more

Wednesday, September 9, 2009

Trail plays these games whenever feeling bored.


Bush Royal Rampage
Save London town from the terrorists bent on the destruction of democracy.





SAS: Zombie Assault 2 After successfully completing the first mission, our hero is now sent to an abandoned military camp, again overrun with Zombies. With more firepower, ranks and skills to unlock this time you should have no problems...



Miniheli (Flash Version)
How good do you think you are? How far do you think you can go? Miniheli brings some new ingredients to this kind of game and it delivers what every game should deliver. Pure addicting fun. The objective is simple. Just keep your heli up in the air without crashing the rocks, manage your fuel and gather some refills along the way in order to go as far as possible. Or as far as your skill lets you go.


Mini Dirt Bike
Ride your mini dirt bike through all challenging obstacle courses and try to complete all of the levels without crashing your minimoto.



»»  read more

Thursday, September 3, 2009

"A Better You" Your 7 days program to self-improvement

I seem to lost count on how many times I've read and heard of celebrity marriages failing almost left and right. Not that I care (and personally I don't), it seems strange that we often see movie and TV stars as flawless people, living the fairytale life of riches and glamour. I suppose we all have to stop sticking our heads in the clouds and face reality.

There are many ways to lose your sense of self-esteem despite of how trivial it could get. But whatever happens, we should all try not to lose our own sense of self.

So what does it take to be a cut above the rest? Here are some of the things you can think and improve on that should be enough for a week.

1. Know your purpose
Are you wandering through life with little direction - hoping that you'll find happiness, health and prosperity? Identify your life purpose or mission statement and you will have your own unique compass that will lead you to your truth north every time.

This may seem tricky at first when you see yourself to be in a tight or even dead end. But there's always that little loophole to turn things around and you can make a big difference to yourself.

2. Know your values
What do you value most? Make a list of your top 5 values. Some examples are security, freedom, family, spiritual development, learning. As you set your goals for 2005 - check your goals against your values. If the goal doesn't align with any of your top five values - you may want to reconsider it or revise it.

The number shouldn't discourage you, instead it should motivate you to do more than you can ever dreamed of.

3. Know your needs
Unmet needs can keep you from living authentically. Take care of yourself. Do you have a need to be acknowledged, to be right, to be in control, to be loved? There are so many people who lived their lives without realizing their dreams and most of them end up being stressed or even depressed for that matter. List your top four needs and get them met before it's too late!

4. Know your passions
You know who you are and what you truly enjoy in life. Obstacles like doubt and lack of enthusiasm will only hinder you, but will not derail your chance to become the person you ought to be. Express yourself and honor the people who has inspired you to become the very person you wanted to be.

5. Live from the inside out
Increase your awareness of your inner wisdom by regularly reflecting in silence. Commune with nature. Breathe deeply to quiet your distracted mind. For most of us city slickers it's hard to even find the peace and quiet we want even in our own home. In my case I often just sit in a dimly lit room and play some classical music. There's sound, yes, but music does soothe the savage beast.

6. Honor your strengths
What are your positive traits? What special talents do you have? List three - if you get stuck, ask those closest to you to help identify these. Are you imaginative, witty, good with your hands? Find ways to express your authentic self through your strengths. You can increase your self-confidence when you can share what you know to others.

7. Serve others
When you live authentically, you may find that you develop an interconnected sense of being. When you are true to who you are, living your purpose and giving of your talents to the world around you, you give back in service what you came to share with others -your spirit - your essence. The rewards for sharing your gift with those close to you is indeed rewarding, much more if it were to be the eyes of a stranger who can appreciate what you have done to them.

Self-improvement is indeed one type of work that is worth it. It shouldn't always be within the confines of an office building, or maybe in the four corners of your own room. The difference lies within ourselves and how much we want to change for the better.

One other way and healthy way to fight sleep problems is to consume a glass of red wine before you go to bed at night. These Wine Aerator collections provide a style to serve wine in a convient way.
»»  read more

Tuesday, August 11, 2009

Mga Tipid Tips ni Trail Everyday.

»»  read more
Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.