About The Author

A father,loving and sweet husband my wife says.cool dad.funny according to my friends.

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Friday, December 11, 2009

Bakit napuputol ang katawan ng manananggal? Hindi po ba sila pwedeng lumipad kasama ang mga paa?


Tanong po mula sa isa sa magagaling na mods ng Talkph na si Realm of a Dreamer

Ang Sagot


Kung nais nating malaman ang origin, babalik tayo sa mga nagdaang panahon. hindi ko na po babanggitin ang lugar dahil sa totoo, may mga kaibigan tayong malalapit sa puso natin sa lugar ng manananggal.

Mayroong tinatawag na "Manananggal Chamber of Commerce", at dito, nagtitipon-tipon silang mga mananaggal upang pag usapan ang kanilang buhay manananggal. naalala ko may website pa sila pero wala na sigurong nag aasikaso, kaya down na ngayon. nag suggest naman ako ng blog na lang. Aba! ang mga lola nyo! sosyal, ayaw ng blogspot at gusto ng self hosted. Naisip ko, kung buhok nga nila wala na silang panahon magsuklay, pano pa ang pag update ng blog at website diba?!

So, balik tayo sa tanong ni Ma'am Realm, Dati, lumilipad sila na hindi hati ang katawan. at marami silang complaints at suggestions na na re-receive mula sa mga kaibigan at kapwa na rin manananggal. dalawang bagay ang malimit nilang napag-uusapan sa mga monthly meetings nila sa Chamber.

Una, ang pag-aakala ng mga tao na si Superman at hindi manananggal ang lumilipad- nagagalit sila rito dahil nais nilang panatilihin ang image nila na isang makakatakot na nilalang at hindi isang Superhero.Kahit kasi manananggal sila ay pusong Pinoy pa rin sila. sabi nila, may sarili silang pagkatao.. este.. may sarili silang pagka... ano ba tawag dun? pagkahalimaw? pagkaaswang... basta ganun.

Pangalawa at ang mas ginagagalit nila, kung lumilipad sila ng kasama ang buong katawan, Nakikita ng mga tao ang Panty nila. nasa puso pa rin nila ang pagiging babaeng Pilipina.at conservative sila. kaya hindi pwede na libre silip ang mga lalaki sa kulay ng Panty nila. kaya napagkasunduan nila sa Manananggal Chamber of Commerce na simula noon, iiwan na nila ang kalahati ng katawan nila. para hindi sila mapag kamalang si Superman, at para hindi makita ng mga tao ang Panty nila.

10 comments:

ROAD Access said...

ahahahaha... ah ganun pala yun hihih thanks sa sagot trail ;)

Anonymous said...

very well said trail .. lol sumakit ung tyan ko sa kakatawa... LOL

jasmine

solidus37 said...

Nagkasundo pa sila ha. Ayaw nilang Blogspot ang gamitin gusto pa eh self hosted. Bakit lagi na lang sila nakapalda. Ayaw ba nilang mag jeans kasi para di sila masilipan kung ano kulay ng panty nila? har har

flipnomad said...

hahaha...

galing!!!

nvtellan said...

Pwede ba follow-up question?

Saan ba nila iniiwan ang kalahating katawan nila kapag naghihiwalay na ito?
May insurance ba yun kalahating naiwan?
May license ba sila para lumipad?

Unknown said...

just wondering...di ba sila nagkakalituhan or nagkakapalitan ng lower part? hmmm...

trail sign said...

@ Master nvtellan,
meron silang area kung saan iniiwan nila ang katawan nila,parang valet parking kung tawagin sa atin, Park at your own risk nga lang at walang insurance. mga kulorum sila at walang license kaya pwede natin hatawin ng palaspas pag may nakita tayong paligid-ligid sa malapit sa bintana natin.hehehe

@ yuuki
Di naman sila nagkakalituhan dahil may number naman na binibigay sa kanila sa pag iwan nila ng lower part. hehehe

nvtellan said...

Ahehehe salamat po sa mga sagot at naliwanagan na ako. :D

Unknown said...

OMG this is hilarious!!!!! =P LMAO!

solidus37 said...

@mary

Tanong ka lang ke master Trail para sa lahat ng di masagot ng siyensiya.

Post a Comment

Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.