May mga Ilang katanungan po tayong natanggap sa ating suki at this time ay, Labin dalawang katanungan ito na sabay sabay nating sasagutin. Dahil po ito ay sa iisang Email nya lang pinadala. pahintulutan nyo na rin po ako na sa iisang post lang natin sasagutin upang bigyang daan pa ang ilan sa mga katanungan.. Hala!! Let's get it on!!
1. Ang lamok ba kapag natutulog sa labas ng kulambo, nilalamok din?
Sagot:
Hindi po. hindi sila nagkukulambo dahil simula pa ay ayaw na silang pautangin ng bumbay, sa pahulugang kulambo nito. Kaya, nagtitiis ang mga lamok na gumamit ng Dregown Keytol. kaso, pati sila Teypok din sa sarili nilang keytol. kaya, ang ginawa nila, nagpapaypay nalang sila habang natutulog.
2. Ang uod ba kapag namatay, inuuod din?
Sagot:
Dipende. ang Uod na namatay ay kasing laki ng elepante, natural, uuurin sya. pero pag maliit naman ang uod, nilalanggam lang.minsan ang ibang uod, may kakayahang humiling sa diwata nila na pag-anyuin silang matigas na ebak pag sila ay namatay, dipende sa bait ng uod, natutupad ang kahilingan nya.minsan naman, di sila inaabot ng kamatayan at nagiging langaw sila.
3. Bakit ang blackboard kulay green? bakit hinde greeboard ang tawag?
Ang Sagot:
Ewan ko sa inyo!, sa amin ang tawag namin dyan ay chalkboard. grade one palang ako chalkboardd na tawag namin dyan. wahehehehe..
4. Eto medyo sensitive na tanong. Nangangak ba ang mga bakla, kung nde, paano sila dumadami?
Ang Sagot:
Sensitive nga. wag natin itong sagutin at baka may ma-offend sa ating mambabasa. kung meron po tayong ka "federasyon" dyan na gustong sagutin ito, paki sagot nalang po. email ako para post natin ang sagot dito.Paumanhin sayo Master NV.
5.Hinde ba pwede kainin sa hapunan yung laman ng lunchbox?
Ang Sagot:
Hindi. ang nakalagay sa lunhbox ay para sa Lunch lang. mahigpit na utos yan ng mga ninuno natin. ang pwede lang kainin sa hapunan maging sa Agahan ay yung nakalagay sa tinatawag nating Bugong.Tama! kung bugong ang baon mo, pwede mo kainin sa hapunan yan. lalo na't hindi pa panis. pero kung sa lunchbox, para lang talaga sa lunch yan.
6. Ano ba ang apelyido ni Jollibee?
Ang Sagot:
Nalilito rin ako, ang sasagot ko sayo ay kung sino ang tatay nya, ang isang pampasabog at maaaring ikatalo sa election ngayong 2010. Si Sherap! mga mambabasa ang Tatay ni jollibee. ngayon di ko lang sigurado kung Ejercito o Estrada ang dinadala nyang apelyido, Paano ko po ito nasabi? tignan nyong mabuti, lahat ng Pangalan ng anak ni Sherap ay nagsisiumla sa "J". Jinggoy, Jude, Jackie, Jv at...jollibee. matalino din ang mga Advisers ni Sherap iniiba-iba minsan ang apelyido ng anak nyang si Jollibee. dipende sa kung nasaan si Jollibee. minsan, Jollibee Sta.Mesa, Jollibee Sta.Cruz. Meron din atang Jollibee Ampatuan.dipende kung nasaang branch.
7. Kapag ang sabon ba nadumihan, kailanga din ba sya sabunin?
Ang Sagot:
Hindi na po kailangan. ang kailangan lang gawin at Banlawan sa maligamgam na tubig ang sabon at wag hayaang matunaw. patuyuin at pwede na muling gamitin.
8. Kapag ang isang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?
Ang Sagot:
Tama ang isang bahagi ng tanong mo. Dudumi ang Tubig at Patay ang Ipis! yun ang totoong mangyayari
9. If you expect the unexpected, wouldn't the
unexpected be expected? Kasi expected mo na sya, kaya nde na sya unexpected?
Ang Sagot:
Mali. If you expect the unexpected, ang tawag sayo, manghuhula! punta ka sa Baclaran, Pwede nating ikayaman yan. at kung expected mo na sya. ang tawag na dun ay Predictable! wahehehehe
10. Isa pang sensitive na tanong: Kapag ang bading o ang tomboy nagka-amnesia, bading or tomboy pa rin ba ang pagkakakilala nila sa sarili nila?
Ang Sagot:
Mali. nagiiba ang pagkakakilala nila sa sarili nila pag sila ay nagkaka amnesia. ang mga bakla tingin nila sa sarili nila ay sirena! ang mga Tomboy naman Syokoy.
11. Pwede ba magsuot ng evening gown sa umaga?
Ang Sagot:
Pinag talunan na ito ng dalawang nagbabanggaang relihiyon sa ating bayan, sabi ng isa, wala daw mali sa pagsusuot ng evening gown sa umaga. Basta, lagi mo lang daw babatiin ang mga nakakasalubong mo ng "Good evening po!".
12. Kung coffee break, kapa lang ba ang pwede inumin? nde pwede coke or tubig?
Ang Sagot:
Ang totoong sagot ay Mali na uminom ng Kape during Coffee break , ito ang hindi maintidihan ng mga tao lalo na ang mga call center agents na nahilig sa Starbucks coffee, mga mambabasa, pakinggan at unawain maigi ito. Hindi Pwedeng uminom ng Kape kapag Coffee Break!!!
Dahil, Coffee Break nga. naka Break ang mga Kape kaya wala sila! Ngunit ito ang tapat tandaan kung gustong uminom ng Softdrink or tubig during coffee break.kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat at huwag gatas. (Milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)
haaayz..... kakape lang ako. enjoy your day.
»» read more