Wednesday, December 9, 2009
at 11:08 PM | 3 comments | Itanong kay trail
How many lives does a cat really have? It’s only a juvenile question, nevertheless it's always got my thoughts.
Some people believe in the superstition that cats have nine lives, because cats can survive falls from high places with few, if any injuries. This gives the appearance that the cats return to life after sustaining a fatal accidents. Granted, they may sustain minor injuries, such as bloody noses, cracked teeth, or a few broken ribs, but they live to recover.
Pero sa katotohanan, Ipinagtanong ko ito sa mga mas nakakakilala sa mga pusa, yung nag su-supply ng siopao sa mga school at sa mga fastfood sa Pinas. waaaaaah.... hindi naman daw talaga sila naniniwala na Siyam or 9 ang buhay ng pusa, sang ayon sa kanila, isang saksak lang daw ay namamatay na rin kagad ang pusa, walang kahirap-hirap nila itong nagagawang siopao, ngunit hindi ako nakumbinsi at tinanong ko ulit sila. parang follow up question sa mga talk show. ganito ang tanong ko, pano po kayo nakakasiguro?, papaano kung pang siyam na buhay na ng pusa yun bago nyo sinaksak?. talagang patay na sya sa isang saksak lang dahil wala nang natitirang buhay, di rin nakasagot ang Kuya na taga gawa ng siopao. nagmuni-muni ako. sa pagkakataong ito ay hindi nasagot ang tanong ko. pati ang Kuya ay napaisip din. inalok niya ako ng siopao, tinangap ko ito at aming pinasaluhan,habang ako ay malalim na nag-iisip parin. nang di namamalayan ay naubos ko ang siopao, pag tingin ko sa aking orasan ay pa gabi na pala. nagpaalam na ako sa kuya at nag pasalamat dahil pinaunlakan nya ang aking Pakikipagpanayam, natuwa ang Kuya sa akin at pinabaunan pa ako ng siopao, masaya akong umuwi na bitbit ang pasalubong. parang commercial lang ng Goldilocks.
Sa kasalukuyan ay isa paring malaisipan ang tungkol sa siyam na buhay ng pusa.
Oo nga pala, May natitira pang siopao mula sa bigay ng Kuya. kung gusto nyo pwede ko pa Fedex sa inyo. sabihin nyo lang. sagot ko ang padala nyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.
3 comments:
eww! parang d nko makaka kain ng siopao for a long time!
Trail....
Kahit libre pa ang padala. Wag mo na lang ipadala sakin.. naku ayaw ko na kumain ng siopao hahaahha.
Kakatawa ka talaga.... Keep it Up!!!!
-jasmine
naalala ko may isang time na may kuting sa bahay namin, mahilig siyang umakyat sa bubong ng aming bungalow. Mag-iisang buwan siguro siya nung umakyat siya isang gabi sa bubong at nahulog at namatay.
sa murang edad, nakaka-walong near-death experience na pala siya...
Post a Comment