About The Author

A father,loving and sweet husband my wife says.cool dad.funny according to my friends.

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Monday, January 18, 2010

Tatlong Saving Tips sa Taong 2010-Part 2.


Narito muli ang ilan pang mga Saving tips para sa mambabasa natin. nakalimutan kong sabihin sa nauna kong post na ang tanong na ito ay mula kay Aubz ng Florida, USA. (wow! sosyal-sosyalan na tayo. ayaw ni yuuki ng ganyan.hehehe) may nagtatanong na sa atin mula sa Florida. di kaya taga Pampanga to si Aubz?Si Jaz, nga pala taga Pampanga din. kung saan ang lugar na nagkalat ang mga mestiza na panalo at gusto ni master sol. (mga kakuwentuhan ko po sa Talkph forum.)

Okay, balik tayo sa pagsagot sa tanong na "Ano ang mga Tips na maibibigay mo sa larangan ng pagtitipid". Marami po tayong maia-advice tungkol dyan, para naman dumami din ang post ko. eh. mga 3 lang every post ang ilalagay ko.

Una, wag itapon ang lumang brief. Ang brief, dahil sa taglay na katangian nito ay maraming pwedeng pag gamitan. mainam ang cotton na tela nito na mag absorb ng moisture o tubig. isabit ang lumang brief sa handle ng ref para gawing basahan. bagay na bagay ang brief para doon. makakatipid ka dahil magdadalawang isip ang mga bisita mo na pumunta sa kusina at mag sosyal sosyalang makikialam sa laman ng ref mo. pwede ring panakot sa mga anak. "Hala sige, nandun ang brief ni tatay mo sa ref. wag ka pupunta dun. wag mo bubuksan." sa ganitong paraan, maiiwasan ang pag sara-bukas ng ref nang hindi kailangan.

Next,ang panty naman ay mainam na gawing substitute sa scothbrite or 3M na dish-washing foam. di ito aksayado sa sabon at madaling makatanggal ng sebo ng mga plato at kaldero.pwede ring patungan ng flower base sa center table.

Last, Ugaliing magtipid sa Bathroom tissue, tandaang ang tissue isang uri din ng papel. kaya nga tissue paper ang tawag ng iba dyan. kung ang papel na ginagamit mo sa school ay lagi sayong sinasabi na gamitin mo ang likod para sulatan. ganun din ang gawin sa tissue paper. pagkatapos magamit ang isang side nito, itabi muna para matuyo at magamit ang likod sa susunod :-)


Maraming paraan upang tayo ay makatipid. dapat lang na maging bukas ang ating isipan at ang unang hakbang ay gusto mong magtipid.may kasabihan nga tayo, ang taong nagtitipid, mahigpit ang pangangailangan. :-) goodluck sa pagtitipid at happy blogging.

4 comments:

nvtellan said...

hmm.. bukod pala sa gawin potholder at trapo ang lumang brief eh pwede rin pala sa ref isabit ito. nice ideas, trail! hehe

trail sign said...

ang galing ni master nv.hehehe. ganun din pala ginagawa mo sa lumang brief.hehehehe.

Thet said...

naku nakakahiya naman yata gawin patungan ng flower base un P,...hehheheh

Anonymous said...

totoo po ung sa panty...lol..ung kapitbahay namin sa probinsya un ang gamit!

bagong tagasubaybay,
bentong ng bacao

Post a Comment

Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.