Mga mambabasa, nais kong ialay ang post na ito sa lahat ng mga ina nyo! at kung ikaw naman ang ina, para sa iyo ito na walang sawang naghahanap ng paraan para makatipid sa mga gastusin. Ngayong taong 2010 nawa ang mga isusulat ko rito ay tunay na makatulong sa iyong pagtitipid.
Una, Kung bibili ng ketsup siguraduhing sa bote at hindi yung sa sachet ang bibilhin nyo, maniwala kayo sa akin. mas makakatipid kayo kung sa bote ang bibilhin nyo. sinusubukan lang kayong lokohin ng mga kumpanya ng ketsup sa panlilinlang sa mga commercials nila na mas economical ang ketsup sa sachet. simple lang ang dahilan ni Trail, ang bote pag naubos ang ketsup ay pwedeng ibenta, piso isa yan sa mga junkshops dito sa atin. ngayon, para sa ibang bansa tignan nalang sa Price Watch Federation of International Magbobote Inc. . ewan ko kung merong ganun federation! kung ubos na ang ketsup at ayaw nang lumabas ang tira na nasa bote nito, itaob ang bote at paikut-ikotin dahil meron tayong tinatawag na Centrifugal Force na may formula na...
Fcf = mv2/R = 4p2mR/T2 = mv2R
Ibig sabihin ang ketsup ay babagsak din sa gitna ng ulam mong pritong itlog, kung walang wala na talaga ay di na applicable ang formula natin. gumamit ka ng suka o kaya ay tubig, i delute mo sa 10-20ml. na tubig o suka, dadami ulit ang ketsup. wag mo rin kalimutan na ang takip ng bote ay may ketsup pa rin. kunin ng daliri or dilaan para masimot.
Pangalawa, sa electric bill naman. kung ikaw ay napapaihi sa gabi mula sa pagkakatulog, wag mo na buksan ang ilaw, at wag ka na rin sa CR umihi, tutal gabi naman, di ka kita ng kapitbahay kung sa likod ka ng mga halamang santan sa bakod nyo umihi.tipid ka na sa kuryente, nakatipid ka pa sa tubig.
Panghuli, sa tubig. kung carry mo, wag ka na maligo sa inyo. sa opisina ka nalang maligo bago ka mag duty. at bago umuwi sa work, maligo ka ulit para di ka na maliligo pag dating mo ng bahay. ganun din ang pwedeng gawin sa pag tu-toothbrush.tutal, kumpanya mo naman ang nagbabayad ng water bill. siguraduhin lang na walang policy ang kumpanya na against sa pag-ligo mo sa opisina.kung hindi. ayos! goodbye ka.
Nawa ay makatulong ito sa inyo. tinatayang mga P50,000 a year ang perang matitipid mo kung isasapuso ang pag sunod sa mga tips na ito. abangan ulit ang ilan pang mga Saving tips mula sa blog na ito. :-)

4 comments:
nice one trail :)
in fairness, ginawa na namin yung i-dilute ang ketchup sa tubig para masimot yung loob ng bote. hehehe!
Gawain din namin lagyan ng konting tubig yun bote ng ketchup para mas masimot pa.
Gawain ko na rin noon pa na dsa opisina mag-toothbrush. minsan pa nga sa office na ako nag-electric shave, nag-charge ng celphone bago umuwi. mag-recharge ng mga rechargeable batteries at kung ano-ano pa. hehe
ang laki ng natitipid diba?hehehe.thanks for dropping by.
Post a Comment