The First time na naramdaman ko ito ay nung malapit na ipanganak si Gian-my first son. Parang hindi na ako makapag hintay nun, kaso hindi naman pwede madaliin ang paglabas nya at madadali din ang buhay ko sa babayaran sa hospital bill.hehehe. Naalala ko, nakatingin lang ako kay Gian nung pwede na sya makita at Salamin ng NICU lang ang pagitan namin, Kita ko si Gian, Sisipa sipa at kakawag-kawag ang mga kamay. ang Laki! 9.2lbs. wow! speechless talaga ako. tinitignan ko lang sya. wala akong masabi. nangingiti lang ako na naiiyak. para akong sira.hehehe Ito na pala yung sisipa-sipa sa tyan ng nanay nya. Ang pogi-pogi. kamukhang kamukha ng tatay! hek hek hek.
Ngayon, sa Darating na March, dadating na naman ang panibagong member ng family namin. We are expecting another baby boy. ngayon pa lang kinakabahan nanaman ulit ako. magugustuhan nya kaya ako bilang tatay nya? Masasakyan nya kaya ang Trip ko? Kasi ako, pipilitin ko masakyan ang Trip nya.Magustuhan nya rin kaya ang makipag MMA sa akin? Magustuhan nya rin kaya ang pag akyat ng bundok? Sana naman, magustuhan nya yung mga toys na bibilhin ko sa kanya.hehehe.Sana magkapareho kami ng gusto sa chicks, tulad ng nanay nya.hehehe
Wednesday, February 24, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.
0 comments:
Post a Comment