Friday, March 5, 2010
at 4:18 AM | 0 comments | Nag Senti si Trail
Just Survive the Night...
Malakas ang hangin! Sa sobrang lakas eh, parang gusto nang masira ng luma at di naman ganun ka gandang features ng tent namin. Ang hangin ay may kasamang malalaking patak ng ulan na mas lalong nagpapa lamig ng paligid. Basa na ang mga backpacks namin sa Labas ng Tent, Pati ang tent namin ay nagsisimula nang di kayanin ang dami ng ulan para panatilihing tuyo ang loob. Nararamdaman kong basa na ang paanan ko, kapag sinusubukan kong iunat ang aking mga kamay ay basa narin ang bahaging ulunan ng aming tent. maging sa gilid, ang Tanging nananatiling tuyo ay ang gitna ng tent namin. Ang hirap nang matulog! Ang hirap nang gumawa ng tulog, "parang lalagnatin na ata ako", sabi ni Jogene. Basa na ang hinihigaan ko,ang medyas ko. nagsisimula na ring tumulo ang tubig galing sa itaas ng tent. finally, Our tent reach its limit into providing us a dry shelter during the rainy night. maluwag para sa dalawang tao ang tent na gamit namin. pero dahil basa na ang paligid nito, pinipilit naming pag kasyahin ang aming sarili ni Jogene sa nananatiling tuyong bahagi ng tent- ang gitna ng tent.
Nakiramdam si Jogene kung gising ako, nang masiguro nyang ako ay gising,nagtanong si Jogene kung anong oras na.Tumingin ako sa aking relo na nag mo-moist sa lamig ng panahon, pinunasan ko ng isa kong kamay para makita ang oras, alas dose palang ng hating gabi. WOW!!! sambit ni Jogene "akala ko mahaba-haba na yung naging pag titiis natin" halata mo ang disappointment sa boses nya. "Mahaba-haba pa ang titiisin natin." Sagot ko naman habang sinusubukan iunat ang paa ko at tinatantya kung hangang saan ko pwedeng iunat na hindi ko mararamdaman ang basa at malamig na tela ng tent. "Ang Tagal pa ng umaga!" May kasama nang reklamo ang tinig ni Jogene. "Oo nga. Just Survive the night pare. just survive the night." Sagot ko. "Yeah right!" Tugon ni Jogene. Nagpatuloy pa ang ulan, lamig at basang tent. walang nang gumalaw sa amin. wala nang nakaisip na palitan pa ang basang medyas. naghihintay na lang kaming dalawa na mag umaga na. dahil tiyak, wala nang ulan pag sikat ng araw kinabukasan. Nakatulog pa rin naman kami, di nga lang siguro mahimbing at obvious na hindi kumportable. napapangiti at napapatawa minsan kapag nakakarinig ng hilik at hagok na nanggagaling sa kabilang tent.hehehe "Sarap pa rin ng tulog ni Jude"Sabay naming nasabi."Bilib ako sa taong yan, Ang lakas na ng ulan, basa na ang hinihigaan, sarap pa rin ng tulog."dugtong ko naman.Nagliwanag din sa wakas! natapos ang Gabing maulan at pagtitiis sa basang higaan. nakangiting naglalabasan sa mga tents ang lahat at tinignan kung kamusta ang mga gamit na naiwan sa labas ng buong magdamag. nagsimulang magluto ang iba ng almusal at nag init naman ng tubig ang iba para makainom ng kapeng mainit. We Survived the night. Yeah! We did.
Sa buhay ganun din madalas. Nasa pagsubok ka. minsan kailangan mo lang magtiis. lilipas din yan!kailangan lang tiisin ang magdamag. kailangan lang palipasin ang gabing puno ng pagtitiis. at pagkatapos, makakangiti ka na rin dahil malapit nang mag umaga. At pag dating ng sikat ng araw, matatapos ang hirap mo. Just Survive the Night friends! kung ano man ang kalagayan mo. Just Survive the Night. Sun will shine tomorrow. That's for sure.
-Trail.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.
0 comments:
Post a Comment