Salitang madalas mo marinig sa mga taong totoong walang pera, Mga salitang lumalabas sa taong may pera pero ayaw magpautang. Sa mga taong may pera, pero tingin nila kulang pa sa kanila. Maririnig din sa mga taong ayaw manlibre, taong nagtitipid, kuripot, galit sa anak na nangungulit magpabili ng laruan. Sa mga taong gustong mabigyan sila ng pera ng kapatid or kamag anak na maraming pera. J
Walang Pera.
Ibig sabihin din nyan, pupunta na lang sa bahay ng kaibigan at duon tatambay at uubusin ang maghapon sa kwentuhang ang paksa ay paulit-ulit na ring naman nilang pinag uusapan pero, Masaya at nalilibang pa rin sila. Pwede rin namang iinom na lang nag maraming tubig dahil walang pambili ng merienda sa hapon. Oh kaya ay ang tirang adobo noong hapuan ang uulamin sa agahan. Oh kaya ay iri-redeem ang reward points para may pang text kahit 10 to all networks lang. Kaya imbes na makipag date eh tutulungan na lang ang GF/BF gumawa ng report nya sa school at sa lunes na ipapasa. Dami pa…
kahit na ano ang dahilan bakit ka walang pera, pwedeng isipin na may naitutulong din pala itong maganda. Mas nagmumukha kang tao kapag walang pera. Dahil kapag ang tao ay walang pera…. Mas nagiging totoo sya sa sarili at ganun na rin sa iba. Kamusta Wala ka bang pera???!!
Kung Meron...Mamigay ka! :-)
0 comments:
Post a Comment