About The Author

A father,loving and sweet husband my wife says.cool dad.funny according to my friends.

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Monday, August 30, 2010

Tipid Tips nanaman


Well, Matagal-tagal din na hindi tayo naka pag pst at na update ang blog na ito. anyways, sa totoo lang. walang pera sa blog na ito. ito siguro marahil ang dahilan ng inyong hamak na lingkod kung bakit hindi na ako nakakapag post.hehehe. Pero, pinag iisipan ko kung paano magkakapera dito. una kasi, sa sariling wikang mahal nais isulat ng inyong lingkod ang blog na ito upang maraming maabot na mambabasa.(parang madami namang nagbabasa ng blog na ito!)n wahahaha. at nais ko rin paduguin ang ilong ng mga kaibigan kong sa America na lumaki ang nagpupumilit na magtagalog. natututo daw sila sa blog na ito. (pwede ko siguro silang i-charge para sa Filipino tutorial, Anyways, wala naman masyadong kita sa blog na ito.) Hello nga pala sayo yuuki.. (sa dami ng sites mo eh di ko na alam kung saan i-li-link ang name mo. send me a message para update ko na lang ang link sa name mo.)

Ok, Ok, sa Tipd tips na tayo.

Una, Upang makatipid kayo sa inyong mga bills, subukang gawin ang pamamalantsa sa umaga at hindi sa gabi. Simple lang, wag kang eng-eng, simple lang ang explanation dyan! kung sa umaga ka mamamalantsa, hindi mo kailangang gumamit ng ilaw para makita ang pinaplantsa mo.samantalang kung sa gabi mo gagawin, natural! kailangan mo pang mag sindi ng ilaw. paminsan-minsan, hindi masama na paganahin ang kapirasong utak, :-)

Pangalawa, Kung mag tu-toothbrush, ipunin ang huling pinag mumugan (yung wala nang toothpaste) sa isang bote or container at iyon ang gawing pang sabaw sa mga ulam na lulutuin, mas di hamak na malasa ito kaysa sa hugas bigas.(awww!)

yan na nga muna. parang sumama ang pakiramdam ko sa huling tip.wahehehe.

Enjoy life.. laging tatandaan, "Ang buhay ay mas masaya kung, nag tatanong ka"-Trail
»»  read more

Monday, March 22, 2010

Hiring... Promotional Models...



Been browsing the net and bump into this one. Sa mga mambabasa po natin. baka gusto nyo mag apply....
»»  read more

Tuesday, March 16, 2010

OK lang...


Kamusta? tanong ng kaibigan na matagal na hindi nakita at nakasalubong mo sa daan, sa palengke, sa mall. nakasabay sa bus. Ok lang-yan naman ang isasagot. casual, payak, maikling sagot sa nagtanong sayo.

Pero sa kabila ng mga matipid na suklian ng tingin at ngiti, napakalalim ng sagot na OK lang. sagot ito ng isang nanay na nakasalubong mo sa palengke na pabili ng gamot para sa may sakit na anak na naghihintay sa bahay. Ok lang, sagot sayo ng isang tatay na nakasabay mo sa jeep na nagmamadaling umuwi para iabot sa maybahay ang sweldo na kahit nag overtime na ay kukulangin parin. Ok lang... sagot ito sayo ng isang nag-aaral sa kolehiyo na nakasalubong mo nang kamustahin mo kahit na di alam pano ipapaliwanag sa mga magulang na may bagsak syang subject. Ok lang ang sagot sayo ng isang dating ka klase na luhaan ang pusong nasaktan at may problema sa kanyang minamahal. Ok lang...

Ganun nating mga Pilipino i-describe ang buhay, Ok lang. Ganun natin isalarawan ang buhay nating puno ng pagsubok. Ganun kung pano natin tignan ang kasalukuyang kalalagayan natin. Ano man ang dinaranas, Hirap, karamdaman, Kakapusan sa salapi, problema sa relasyon sa mahal sa buhay, sa eskwela, sa trabaho o sa bahay. Ok lang. Dahil ano pa man ang dumarating at darating, para sa Pinoy ang buhay ay Ok lang!

So, kamusta ka kaibigan?

-Trail po ito. sana ay ok ka lang.
»»  read more

Friday, March 5, 2010

Just Survive the Night...


Malakas ang hangin! Sa sobrang lakas eh, parang gusto nang masira ng luma at di naman ganun ka gandang features ng tent namin. Ang hangin ay may kasamang malalaking patak ng ulan na mas lalong nagpapa lamig ng paligid. Basa na ang mga backpacks namin sa Labas ng Tent, Pati ang tent namin ay nagsisimula nang di kayanin ang dami ng ulan para panatilihing tuyo ang loob. Nararamdaman kong basa na ang paanan ko, kapag sinusubukan kong iunat ang aking mga kamay ay basa narin ang bahaging ulunan ng aming tent. maging sa gilid, ang Tanging nananatiling tuyo ay ang gitna ng tent namin. Ang hirap nang matulog! Ang hirap nang gumawa ng tulog, "parang lalagnatin na ata ako", sabi ni Jogene. Basa na ang hinihigaan ko,ang medyas ko. nagsisimula na ring tumulo ang tubig galing sa itaas ng tent. finally, Our tent reach its limit into providing us a dry shelter during the rainy night. maluwag para sa dalawang tao ang tent na gamit namin. pero dahil basa na ang paligid nito, pinipilit naming pag kasyahin ang aming sarili ni Jogene sa nananatiling tuyong bahagi ng tent- ang gitna ng tent.

Nakiramdam si Jogene kung gising ako, nang masiguro nyang ako ay gising,nagtanong si Jogene kung anong oras na.Tumingin ako sa aking relo na nag mo-moist sa lamig ng panahon, pinunasan ko ng isa kong kamay para makita ang oras, alas dose palang ng hating gabi. WOW!!! sambit ni Jogene "akala ko mahaba-haba na yung naging pag titiis natin" halata mo ang disappointment sa boses nya. "Mahaba-haba pa ang titiisin natin." Sagot ko naman habang sinusubukan iunat ang paa ko at tinatantya kung hangang saan ko pwedeng iunat na hindi ko mararamdaman ang basa at malamig na tela ng tent. "Ang Tagal pa ng umaga!" May kasama nang reklamo ang tinig ni Jogene. "Oo nga. Just Survive the night pare. just survive the night." Sagot ko. "Yeah right!" Tugon ni Jogene. Nagpatuloy pa ang ulan, lamig at basang tent. walang nang gumalaw sa amin. wala nang nakaisip na palitan pa ang basang medyas. naghihintay na lang kaming dalawa na mag umaga na. dahil tiyak, wala nang ulan pag sikat ng araw kinabukasan. Nakatulog pa rin naman kami, di nga lang siguro mahimbing at obvious na hindi kumportable. napapangiti at napapatawa minsan kapag nakakarinig ng hilik at hagok na nanggagaling sa kabilang tent.hehehe "Sarap pa rin ng tulog ni Jude"Sabay naming nasabi."Bilib ako sa taong yan, Ang lakas na ng ulan, basa na ang hinihigaan, sarap pa rin ng tulog."dugtong ko naman.Nagliwanag din sa wakas! natapos ang Gabing maulan at pagtitiis sa basang higaan. nakangiting naglalabasan sa mga tents ang lahat at tinignan kung kamusta ang mga gamit na naiwan sa labas ng buong magdamag. nagsimulang magluto ang iba ng almusal at nag init naman ng tubig ang iba para makainom ng kapeng mainit. We Survived the night. Yeah! We did.

Sa buhay ganun din madalas. Nasa pagsubok ka. minsan kailangan mo lang magtiis. lilipas din yan!kailangan lang tiisin ang magdamag. kailangan lang palipasin ang gabing puno ng pagtitiis. at pagkatapos, makakangiti ka na rin dahil malapit nang mag umaga. At pag dating ng sikat ng araw, matatapos ang hirap mo. Just Survive the Night friends! kung ano man ang kalagayan mo. Just Survive the Night. Sun will shine tomorrow. That's for sure.

-Trail.
»»  read more

Tuesday, March 2, 2010

Trail, Bakit Walang kang bagong Post Lately?


Magandang Araw.Trail, Bakit Walang kang bagong Post Lately? Tanong po mula sa Isa nating mambabasa mula sa malayong lugar ng Rosario Cavite.hehehe

Ang Sagot;

Hello! Napakagandang tanong naman po nito. Ayan at meron na akong post. pwede ko na bang hindi sagutin ang tanong mo?hehehe. Para po sa sagot at hindi masira ang tradisyon at layunin ng blog na ito, sasagutin ko po ang tanong.
Paumanhin sa aking mga mambabasa. gusto kong maniwala na may mga excited tayong mga tagasubabay.wahehehe. na naghihintay ng mga walang kwentang mga sagot, dahil wala rin sila magawa sa buhay nila. Hindi po tayo nakakapost lately dahil bisi-busy-han po tayo sa nalalapit na kapanganakan ng aking pangalawang anak na papangalanan naming "Nash". hmmm.... at pinagawa ko nga rin pala ang aking luma ngunit reliable na sasakyan. ang pangalan nya ay Samuel. Kaya, marami pa rin pong mga tanong na hindi ko nasasagot. simple lang po ang sagot kung bakit? wala pa akong inspiration,hehehe Syempre, Writer-writer-an si Trail kaya nangangailangan ng inspiration.

Five Days na lang pala at makikita na namin si Nash. ilalagay ko ang mga pictures nya pag nagkarooon na ako ng pagkakataon. Dyan na muna kayo.
»»  read more

Wednesday, February 24, 2010

One more Week... It seems Forever.

The First time na naramdaman ko ito ay nung malapit na ipanganak si Gian-my first son. Parang hindi na ako makapag hintay nun, kaso hindi naman pwede madaliin ang paglabas nya at madadali din ang buhay ko sa babayaran sa hospital bill.hehehe. Naalala ko, nakatingin lang ako kay Gian nung pwede na sya makita at Salamin ng NICU lang ang pagitan namin, Kita ko si Gian, Sisipa sipa at kakawag-kawag ang mga kamay. ang Laki! 9.2lbs. wow! speechless talaga ako. tinitignan ko lang sya. wala akong masabi. nangingiti lang ako na naiiyak. para akong sira.hehehe Ito na pala yung sisipa-sipa sa tyan ng nanay nya. Ang pogi-pogi. kamukhang kamukha ng tatay! hek hek hek.

Ngayon, sa Darating na March, dadating na naman ang panibagong member ng family namin. We are expecting another baby boy. ngayon pa lang kinakabahan nanaman ulit ako. magugustuhan nya kaya ako bilang tatay nya? Masasakyan nya kaya ang Trip ko? Kasi ako, pipilitin ko masakyan ang Trip nya.Magustuhan nya rin kaya ang makipag MMA sa akin? Magustuhan nya rin kaya ang pag akyat ng bundok? Sana naman, magustuhan nya yung mga toys na bibilhin ko sa kanya.hehehe.Sana magkapareho kami ng gusto sa chicks, tulad ng nanay nya.hehehe
»»  read more

Sunday, February 21, 2010

We Have All Day... Bonjour...Metong Nasi...


One Reason why we climb the Majestic Arayat. Sa mga umaakyat po. magkalat lang kayo huh?! may taga pulot naman kayo eh!!!



Hello. I am back from heart pumping, adrenaline rush visit to the land of good old cooking and of course,hehehe saan pa, sa lugar kung saan nagkalat ang Mestiza. haaaay... mekeni abe!!! Pampanga! As usual. hindi naman talaga natuloy ang IT namin. sssshhhh... wag kayo maingay. ginawa ko lang yung IT para sa reference ng KASAKA hehehe. pero pag dating sa Magalang pampanga. wala nang I.T.-I.T. hek hek hek.

Climb to MT. Arayat via Magalang trail is a walk in the park for most Climbers. but for some,itatanong mo sa sarili mo bakit ba kasi napasama-sama ka pa sa akyatan samantalang ang sarap sana ng buhay mo sa inyo. it's like more than an hour incline walk expose to the sun completely, after that another couple hour trekking to a forest infested by giant mosquitoes. leg cramping climb ahead plus occasional rain because it is a rain forest. but after seing humongous rocks and wild orchids, number of butterflies species you don't see somewhere else. a laugh with friends and trading jokes with climbers you met the first time plus,big smiles, hugs and shake hands from the climbers you see once again that you've met from old climbs,you will be convince it is worth the trade.

anyways, walang masyadong korning jokes today here in this post. hehehe. just wanted to share to you guys some pictures. plus, thanks to 32nd Mobile Group (PNP). a bro.in Christ who gave us a ride on the way to the Magalang Market. local folks, and friends who make it possible.

Laki ng Tiyan ko.:-) taking 5 min. rest. inside the forest.
Few more minutes before the summit. Push!

Approaching the summit. yeah, there is no problem with the cam, the place is covered with fog.
At the back, Arayat 2nd Peak.
Me and my friend goofing around.
Break Camp.
All set for a quick descend.:-)
Bro. in Christ who gave us a ride. they have a cool church.
»»  read more

Friday, February 19, 2010

Gone Climbing This Weekend.


Hello guys. trying to make this post before I go to sleep and get up as early as 4:00am tom. off to Pampanga for a challenging climb and try to set my feet again to the Majestic Mt. Arayat.I will try to take some pictures for you guys to see the beauty of nature.

So, Until then stay cool and keep the corners of your mouth high.hehehe. Uu nga pala, may sosyal-sosyalan tayong mga tanong na hindi pa rin nasasagot. hayaan na muna natin syang magpatuloy sa pagiging sosyal-sosyalan. Meron din isang mambabasa na ayaw magpakilala ang may kaunting violent reaction sa isinulat ko tungkol sa pag bisita ko sa mga kababayan nating marines na nag a-undergo ng training sa Ternate Cavite. na may title na 6 Months Sir! The Replacements. Mawalang galang na po sa inyo maam. I reserve the right not to post your comment. Sa tingin ko po ay di naman makakatulong sa mambabasa ng blog na ito ang sosyal-sosyalan mong komento sa training na ginagawa ng mga kapatid nating nag nanais maging sundalo. Pero hayaan mo, makakarating sa mga kaibigan ko sentemyento mo. hehehe. ginagalang ko po ang bawat opinyon ng mga mambabasang magbibigay ng kanilang kumento, Pero tingin ko po, hindi matutuwa ang mga pamilya o kamag anak ng mga marine trainees na makakabasa ng sosyal-sosyalan mong kumento. Yun naman po ay akin lang. Maraming salamat.
»»  read more

Thursday, February 18, 2010

6 Months Sir! The Replacements...


I went to Camp Gregorio Lim sa Ternate to address more than 500 Philippine Marine Trainees. On the way sa base nila, Naramdaman ko parang papunta rin akong subic. maganda, I enjoyed traveling and I enjoyed the scenery.another thing is I am not the one driving.hehehe I once dreamed of being a military man. I dreamed of me having a higher rank, a young captain or major perhaps. I dreamed about it. Pero, iba pala ang plano ng Lord. gusto nya pala akong gawing matinee idol.hahahaha. Pero sabi ng nanay ko "anak, mag-aral ka muna bago ituloy ang pag aartista." kaya pinakinggan ko ang nanay ko. kaso, nung mag decide na akong magbalik pelikula,wala na ang mga fans ko. iba na ang hinahangaan nila. (wag na kayo kumontra, blog ko naman ito)

Anyways, Post ko yung ibang mga pictures ko with some of my friends taken when we were there sa marine base. (yung image sa na nakalagay dyan ay kuha ko lang sa google images.) I saw and met the trainees there. from 20 to maybe 23 yrs old. sa batch nila, 14 ata ang mga babae. nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. these young fellows, leave their homes, leave their parents,( possibly some of them may have a family or young child. but I can't imagine it since it seems what I have in front of me is a bunch of young adults who just recently finished high school undergoing massive heart pounding training.) They are the few but proud marines too be.Parang kinalimutan din nila ang paglalaro. naging saglit lang ang naging experience nila ng pagiging kabataan.Siguro maaaring pangarap nga ng marami sa kanila na maging magiting na sundalo na magtatanggol sa bayan natin. Marahil ang iba ay ito ang naging paraan para kapalit ng pagtataya ng sariling buhay sa panganib ay ang pagkakaroon ng disenteng trabaho at kita. Nalungkot ako, naisip ko na parang mga nakababatang pinsan ko lang sila, ilan sa mga nakababatang kaibigan ko. While some of my friends talked to the marine officers,I talked to few of the trainees. they were allowed to fall out sa formation dahil nga nandun kaming mga bisita nila. Nalaman ko na sila ay mag te-train ng 6 months and then off to front line in mindanao they go.The thin red line.Sila ang mga magiging replacements.they came from different provinces, laguna, cavite, zambales, name it. I tried to smile and laugh with them while they were telling me some jokes and tried to laugh about their selves and their training. Pero sa kabila noon, nalungkot ako. tinatanong ko ang sarili ko, ilan kaya sa kanila ang makakabalik pa sa kanilang tahanan? ilan kaya sa kanila ang makakapag mano o makakahalik pa ulit sa kanilang mga magulang?ilan kaya sa kanila ang muli pang mahahagkan ang kanilang sinisintang mahal? ilan pa kaya sa kanila ang makakalaro pa o mahahalikan pang muli ang kanilang bunsong anak? Ilan kaya sa kanila ang makakauwi pang buhay? Pinigil ko ang luha ko, at pinilit na ngumiti habang masaya silang nagkukwento ng kanilang karanasan.

Sana wala nalang digmaan, Sana wala na lang gulo o away sa pagitan ng di magkatugmang paniniwala at pamantayan sa buhay.Para sana,wala nang kabataan na magsasakripisyo o mga magulang na mawawalan ng anak,wala na sanang asawa na bibigyan ng nakatuping bandila, o anak na sa murang edad ay mauulila.Sana...Sana...



»»  read more

Tuesday, February 16, 2010

Mt. Arayat-Magalang Trail I.T.


Hello. all systems go na po para sa aming MT.Arayat clean up drive. ito po ang IT (itinerary) ng climb.para po sa mga sasama. pre climb meeting today. sa office na lang. at 2pm.

Things to Bring:
Refer to your employee's manual.hehehe. and don't forget to bring your brain. extra legs and extra puwet.






Day 1

4:00AM Assembly time-Cavite bus station bound to Olongapo.
4:30AM ETD Cavite City to San Fernando.
8:00AM ETA SM San Fernando.
9:00AM ETA Jump-Off (Tagging with KASAKA)
9:45AM Start Ascend
12:00noon Lunch at plateau (packed lunch). Concentration of our clean up.Gather the trash
set it aside. bring it down tom. on descend.
1:30PM Resume Trek
3:00PM ETA Summit
6:00 Dinner
7:00 Socials
11:00 Lights Off

Day 2

5:00AM Wake up Call.
6:30AM Bfast/ Break Camp
8:00AM Start Descend (pick up the Trash left on day 1 in plateau)
11:00AM ETA 7:11 Jump Off
12:00noon Lunch Magalang Public Market
1:00PM Trip Back to Manila
3:30PM ETA Manila.
»»  read more

Wednesday, February 10, 2010

Trail Pano mo Ta-Translate sa English ang "Pang ilang Presidente ng Pilipinas si Pangulong GMA?"


Tanong mula sa isa nating masugid na mambabasa. ayon sa kanya siya ay isang Pinay na kabilang sa US Army (wow!) panalo!

Gusto ko sanang mag suplado kaya lang naunahan na nya akong magsabi na US Army sya. hek hek hek. kaya behave na lang ako.

Mantakin mo, dumalaw sa blog na ito para mag tanong ng english translation. di mo ba napansin??pambihira!!!! kaya nga tag-lish ang blog na ito dahil math at recces ang favorite subjects ko noon,tapos tatanungin mo ako sa english! Where is the love? where is the love?

Kaso nga, ito ay Itanong mo Kay Trail portion... Sige. sasagutin ko ang tanong mo. Ang Sabi ng Kaibigan ko, lagi daw itong tinatanong pag nag aaply ka sa call center.hehehe di ko naman alam kung ano pumasok sa isip ng mga trainers ng call center bakit nila tinatanong ito. okay para sa sagot.

Ang pangungusap na "President GMA is the 14th President of the Philippines" ay Declarative Form of sentence. nagiging declarative sya kasi sa "14th". ngayon naman kung gusto mo itong gawing Interrogative form of sentence dapat ay "President GMA is the nth President of the Philippines?". ang "nth" ang interrogative form. kaya nagiging question na sya.Kaya ang tamang Translation ay "Is President GMA the nth President of the Philippines?" yan ang tama at saktong translation. wahahahaha!!! Meron namang nagsasabi na ang tama ay
"Where did presedent GMA in Philippine presedential chronological order falls ?"ewan ko naman kung tama 'to or may tama lang din sa ulo yung sumagot nito.hehehehe

Ang the best sa katanungan mo ay isanguni natin sa expert sa english. hindi ang mga english teachers mo or ang mga call center agents. maghihintay ako ng susunod na "Isang tanong, Isang sagot" (The 2010 Presidential debates.) at ito ang itatanong ko kay Erap. hek hek hek pag nasagot nya. di ako magdududa na iboto sya. Ikakampanya ko pa sya!

Hala, nawa ay nabigyan ko ng kasagutan ang tanong mo madam US Army. kamusta kay pareng Obama.laging tatandaan...

" Ang buhay ay masaya kung nagtatanong ka"-Trail
»»  read more

Tuesday, February 9, 2010

CELEBRATE LOVE IN HIGH ALTITUDE


Nais ko pong mag bigay daan sa isang patalastas na ito na dadaluhan ng inyong linkod. awat muna tayo sa pag sagot ng mga tanong nyo. Thanks ng marami. sasagutin ko po ulit ang mga tanong sa darating na mga araw.

The Federation of Filipino Mountaineers (FIMO Inc.) will be organizing a nationwide valentine climb dubbed as “CLiMBapalooza! 2010”: (Romancing the Philippine Trails). Our goals are to conduct different environmental activities simultaneously such as follows:

- Tree planting
- Cleanup operation
- Environmental awareness campaign
- Promote responsible mountaineering
- Promote synergism, unity & camaraderie in the mountaineering community
- Celebrate valentines in high altitude
- Preparatory climb to break the “Guinness Book of World Records” as the most number of mountaineers who climbed simultaneously.

This event will be attended by almost 2,500 which will really help in promoting our bid in breaking the “Guinness Book of World Records” by 2011 as the most number of mountaineers who climbed simultaneously & the biggest cleanup operation in the world. Mountaineers from Luzon, Visayas, Mindanao and some parts of Asia & America also willingly expressed their desire to participate in this event. Truly a momentous event in Philippine Mountaineering history, this will surely help in unifying different outdoor clubs in this authentic display of unity and synergism.

Mountaineers will also do some outreach programs of different magnitude depending on the community needs. FIMO inc. is leading the way through this event which also serves as a unifying cause for mountaineers to work together in promoting environmental awareness.

Our Team Will Be Climbing Mt. Arayat this Feb. 20-21. we will do a clean up drive. few friends from Zapote and Dasmariñas will be joining us and help us clean the majestic Mt. Arayat.

Visit the Site For More Details. CLiMBapalOOza!
»»  read more

Tuesday, February 2, 2010

Totoo po bang Dating Member ng Ninja Turtle si Pong Pagong?



Kuya Trail, Sabi po ng Kuya ko, dati daw pong member ng teenage mutant ninja turtle si pong pagong. totoo po ba ito? bakit po wala sya sa mga napapanood kong ninja turtle cartoons?

Tanong po ng isang nakababatang mambabasa natin. Maraming salamat sa iyo, nawa ay nakapupulutan mo ng mga aral ang blog na ito. para naman sa kasagutan sa tanong mo.


Opo. totoong member ng pamosong Teenage Ninja Turtle si Pong Pagong.Ang orihinal na miyembro ay sila, Leonardo, Donatello, Rafael, Michelangelo, at Pong Pagong. Lima silang napulot ni Master Splinter-ang kanilang sensei at adopted father. Tinuruan sila ng the way of ninjutsu. Kaya lang napansin ni Master Splinter na, kakaiba ang kinikilos ni Pong. Abnormal sya at masyadong isip bata. Immature kung baga. at puro kangkong lang ang gusto kainin. puro laro lang ang inaatupag. pinatingin ni Master Splinter si Pong sa Child Psychiatrist at dito nalaman na sya pala ay may problema sa pag-iisip. kaya tinanggal sya sa team at pinadala na lang sa Pilipinas para mag audition sa Batibot. dahil nga isip bata si Pong ay nakapasa naman sya sa Batibot at naging bida din naman, malayo nga lang sa career ng mga kapatid nya sa States.



»»  read more

Monday, February 1, 2010

Loming Batangas! Sa Wakas...

Tay, bakit dyan ka matutulog sa bundok, may bahay naman tayo? hehehe. di ko maiwasang mapangiti at matawa nang marinig ko ang tanong na iyan sa magtatatlong taon kong anak na si Gian. hehehe. Tumawag sila ni nanay nya sa akin para mag good night, sunday ng gabi habang ang mga kasama ko sa pag-akyat ay nagluluto ng aming hapunan. Sa totoo, di ko na mabilang kung ilang beses ko nang naakyat ang Mt. Maculot. pero, di maitatanging ito ang isa sa mga paborito kong bundok. para sa mga baguhan sa pag-akyat kung ituring ang di kataasang bundok na ito. pero bugod sa malamig sa itaas at magandang tanawin, laging iba ang experience mo sa bundok na ito. Lagi ko ngang sabi, palaging iba ang io-offer ng Mt. Maculot every time you will climb this majestic mountain.Pero ang hindi ko pinapalampas every time ako naakyat dito ay ang loming batangas na mabibili sa maliit na palengke ng bayan ng cuenca.

Matagal-tagal din akong hindi nakaakyat. siguro dahil bumigat ako at hindi na naging fit ang aking mula sa mala Jay Cuencang katawan ay naging mabigat at mataba.hehehe. yun rin ang dahilan bakit gusto ko na ulit umakyat at nasa journey ng pag babawas ng timbang.









Sobrang Malas!!!

Naging mabagal ang akyat namin. Sobrang bagal sa dating mga isang oras na pag akyat sa tuktok ay naging sobra sa dalawang oras. Pag dating namin sa taas. naging normal naman ang routine.Hangang sa dumating ang di inaasahang pang yayari. Sumakit ang tyan ko at napatingin ako sa malayo. Okay lang sa akin ang pag pupu sa bundok. normal sa isang beteranong mountaineer. So. kinuha ko ang baon kong bathroom tissue at nagpaka layo-layo sa mga kaibigan ko para umpisahan ang seremonya. hinubad ko ang aking pambaba at panloob. sinampay ko sa sanga ng mababang puno.(bush ata yun sa tagalog.hehehe) masarap ang naging unang mga sandali. mabilis lang ang pag labas ng sama ng loob ko. humangin at nahulog sa mismong pupu ko ang shorts at brief ko! Badtrip!!!! tapos sa taranta ko ay napatayo ako sa pagkakaupo para kunin kaso sa taranta ay natapakan ko pa ang sarili kong pupu!!! AWWW!!!! Anyways, tulad nga ng sabi ko, bawat akyat sa maculot ay iba ibang experience. panibagong experience sa akin ito! buti na lang may baon aking extra brief at shorts.




sa itaas,early morning. sa likod, ang haring araw ay pasikat na.

sa ibaba, nakahiga sa lupa.gabi habang naghihintay na maluto ang food namin.

»»  read more

Saturday, January 30, 2010

Trail's Gone Climbing, Will be Back by Tuesday.



The image was taken like nearly two years ago during our fun climb in Mt. Maculot, Cuenca Batangas.Naalala ko, hindi pa ako masyadong mabigat that time.hehehe. but tom. gonna try ulit makaakyat together with few friends.We are going to climb it tom. night. (night trek) kasi may gusto kaming takutin na bagong join sa grupo.hehehe. siguradong maganda ang kalalabasan ng akyat na ito. aside sa may mga kasama ako na gusto makaganti sa pinaggagawa ko sa kanila dati.

Gusto ko sana isama si Gian, ang aking 2 yr. old son. kaso, ayaw pumayag ng nanay nya.(by the way, misis ko yun.hehehe). Ma mimiss nya daw si Gian. 'Di bale na daw ako.Okay lang daw ako mawala ng dalawang araw! hehehe. ganun!!! Kaasar eh.wahahaha. Ma mi-miss ang anak, ang tatay ng bata hindi! pambihira! Naalala ko tuloy nung binata pa ako, sabi ko sarili ko, sa itaas ng bundok ko gagawin ang panganay ko.hek hek hek. di naman nagkatotoo dahil, 'Di na sya makapag hintay na makaakyat pa kami ng bundok pagkatapos ng kasal, kaya pag-akyat na lang ng hagdan ng bahay na lang ginawa si Gian.Ganun din daw yun. Itaas din naman daw ang "itaas ng bahay" namin.hehehe ( sa mga batang mambabasa, refer to this blog's disclaimer ok.hehehe)

Sana tatlo kaming aakyat kaso, nagdadalang tao sya sa pangalawa naming baby. Kaya 'Di na naman sya makakasama. Wait na lang namin na pwede na kami umakyat lahat. Isang buong family. Panalo yun. So, sa mga tanong na hangang ngayon po ay di pa nasasagot ng iyong lingkod. paki hintay -hintay na lang po muna dahil sa tuesday na ako babalik. siguro kung may time sa monday night.Dyan na po muna kayo at lagi kayong mag-iingat.

"Ang buhay ay masaya kung ikaw ay nagtatanong"-Trail
»»  read more

Tuesday, January 26, 2010

Trail, Paano ko malalaman na Bakla ang BF ko?


Awwww! wonder pets, wonder pets, handa na kami. hindi malalaki at hindi malalakas pero pag nagtulugan lahat nalulutas! Gooo.... Wonder Pets! yehey! wala lang. gusto ko lang kantahin dahil parang wonder pets ang kailangan mo kapatid para sa problema mo. nag iisip na tuloy ako kung gawin ko nalang MMK (Maalaala Mo Kaya)ang blog na ito. Ano ba naman ang naisipan mo at pumatol ka sa Bf mong yan na di mo alam ang katauhan? anyways, hindi mo naman ako nanay para semunan ka. So, sasagutin ko nalang ang Tanong mo.

Pitong Palatandaan na Bading ang BoyFriend mo. ( Trail's guide to tell that your boyfriend is gay.)
1. Pareho kayong mahilig sa Cosmopolitan Magazine- Di ito normal sa lalaki,. dahil FHM ang karaniwang Binabasa ng mga tunay na lalaki. (syempre si Trail, mas gusto ang bible.hehehe)

2. Subukan mong magbayad ng kaibigang lalaki. kung makukuha mo ng Libre, mas okay. pahalikan mo sa kaibigan mong lalaki ang BF mo. pag gumanti yun instead na suntukin ang friend mo.hehehe bading ang BF mo.

3. Magpasama kang bumili ng Make Up set sa kanya. pag pinakialamanan ka sa pag bili at pag pili at mas alam nya pa ang magagandang brand tulad ng maxfactor at Victoria secret. bading yun.( wag nyo na itanong bakit alam ko yun. syempre nakikita ko lang sa misis ko.! wag nyo na ako intrigahin!hehehe)

4. Kung umihi sya ay paupo.hehehe. Kapag paupo kung umihi ang Bf mo. wlang duda syang bading.

5. Kung mas maganda Pa siya sa iyo.hak hak hak. tignan mong mabuti kung mas madalas syang bumisita sa parlor, skin clinic at mas healthy pa ang hair nya kaysa sa iyo.

6. Patugtugin mo ang musikong "I Will Survive". At first i was afraid... lalalala... yun yun. and If your Bf can't resist from dancing. alam mo iba ang dating nitong kantang ito sa mga KaFederasyon. Di nila mapigilan na sumayaw sa indak ng tugtuging sadyang ginawa para sa kanila.

7. at pang huli. yung bading na nag aayos ng buhok mo sa suki mong salon. humingi ka ng tulong sa kanya. ito ang isang sikretong dito lang mabubunyag. may paraan sila para malaman ang tunay na anyo ng isang bading na nagtatago sa katawan ng lalaking may girlfriend. para silang pambira. kakagatin nila ang isang pinaghihinalaan nilang bading na nagpapakalalaki kunwari. pag nalansahan sila sa dugo nito at nasuka. sigurado na. bading ang boyfriend mo.

ayan. nakakalungkot ang iyong sitawasyon. alam kong ayaw mong magpakilala sa publiko pero wag kang mag alala. may bonus pa nga pala ako sayo. tanungin mo ang motto ng BF mo. at kung sinabi nyang ang motto nya ay "Rustom is dead!" patay. bakla nga ang boyfriend mo. Tandaan mo, "ang binatang nagigipit sa bakla kumakapit."Kaya tignan mo kung may mga kaibigan syang mga binata na laging nagigipit.
»»  read more

Sunday, January 24, 2010

Bakit tinawag na manganagamatis,bakit di nalang magbabawang o kaya magsisibuyas?


Trail, diba ang sabi nila wag mong titignan ang ____ ng lalaki pag bagong tuli kasi daw manganagamatis... Ngayon eto ang tanong ko... bakit tinawag na manganagamatis,.. bakit di nalang magbabawang o kaya magsisibuyas.. ?

Maraming salamat sa katanungan mo.hehehe. Di ko na naitanong kung gusto nya ipalagay ang name nya as reference to this question. pero since nahiya ata sya na ilagay kung ano yung nangangamatis.:-) pinalagay na lang ng inyong lingkod na ayaw nya magpakilala.

Nang binasa ko ito ng malakas dito sa office. sabay sabay ang anim kong encoder na pag sagot ng malakas na "Hindi ah!" Karaniwang ina associate ng mga tao noon na ang pangangamatis ni "manoy" pag bagong tuli ang isang nagbibinatang grade 4.(iyan nga pala ang ideal na stage kung saan pwedeng pwede na ipaluli si junior.pero dipende parin. kasi naalala ko, nung grade 4 kami. nagkakahamunan yan sa mga ka-classmates mo., sabay sabay kayong pupunta sa CR pag brake para magpakitaan ng juniors. para patunayan kung sino ang tuli at hindi pa tuli. madalas, uuwing luhaan sa kantiyaw ang ka-klase naming hindi pa tuli.

Wala namang scientific basis ang pangangamatis ng junior kung titignan ng babae. At tsaka, di ko alam kung may babae namang gusto makakita ng junior pag bagong tuli.hehehe. bakit naman bagong tuli pa gugustuhin ng isang babae na tignan ang junior? Ano naman kaya ang gagawin nya roon pag nakita nyang nakabalot ito ng baru-baruan?!.lol.

Pangangamatis ang itinawag ng mga tao sa pamamaga ng lambi ng junior pag bagong tuli kasi, kung iyong pag-aaralan. ang itlog ng lalaki o mas kilala sa tawag na betlog! ang wari bagang tulad ng isang sibuyas la union. kung mapalad ka at may lalaking papayag sayo na pasuri ang itlog nya.(kasi kahit lalaki ka, need mo ng ibang itlog dahil mahirap tignan ang sariling itlog. maliban humarap ka sa salamin at hawiin ang dapat hawiin para makita ang sariling itlog na nagtatago at mahiyain.) para syang isang katamtamang laki ng sibuyas la union na may ugat-ugat pa. Ngayon naman, ang ulo ni junior, kung susuriin mong mabuti ay tulad naman ng apat na butil ng bawang na magkakadikit pa pero wala na ang balat ng bawang.( madali nang ihalintulad yan dahil madali lang maghanap ng butil ng bawang.) Syempre, para kumpleto ang panggisa, kailangan ng kamatis. kaya nag decide ang mga lolo na tawagin itong kamatis. So, yun ang dahilan kaya nangangamatis ang tawag sa lambi ni junior na namamaga kapag baong tuli.
»»  read more

This Blog is Under Construction.

hahaha. Somebody attacked by poor blog. Naaah... something happened I don't know! Pero, ito na po ulit ay ito ay live na ulit. I still need to work out some of the tabs and all that. anyways... see you soon.
»»  read more

Thursday, January 21, 2010

Finally....Trail Decided To Hit The Gym!



Yup! you read the title right dear friends.After more than 2 yrs. the last time I lifted some plates. I finally decided to hit the gym today. It was ever painful. didn't lift much weight but everything was really really painful. I almost pass out.lol good thing I can still move my fingers to type and make this post before I go home. The gym is right across the office.

For those of you who are following this journey of mine. I will post a monthly summary of what I did and how my trimming down journey goes.By the way, I have a scheduled climb this end of January.One of the things I used to do in my life that I wanted to claim back. I will also try to take some pictures and try to post it here.I think I need to go home. and take a good sleep. Tomorrow, will be running day again. I would like to greet all of you guys from Talkph.net. keep smiling. remeber. Masaya ang buhay kung ikaw ay nagtatanong-Trail
»»  read more

Tuesday, January 19, 2010

Kung kapatid ng magnanakaw ang sinungaling sinong mas matanda?


May kasabihan "kapatid ng magnanakaw ang sinungaling"
eto ang tanong ko sayo trail na alam ko masasagot mo:

Tanong mula kay Jas na malapit na mag bakasyon sa Pinas.Pasalubong namin huh?!

Hmmm... na pressure naman ako dun at talagang may "alam ko masasagot mo" pa sa dulo. Una sa lahat wag nyo na itanong bakit picture ni madam arroyo ang nakalagay dyan. nalulungkot lang ako at matatapos na ang term nya. haaaayzz..parang kaylan lang diba? I will miss you madam president.

Dalawa ang nakikita kong posibilidad na sagot, bahala na kayo kung ano ang mas pipiliin nyo:

Una.Mali ang paniniwala ng iba na sila ay magkapatid. Sila ay mag-asawa.wahahahaha! Mag-asawa sila! Mas matanda si Magnanakaw kaysa kay Sinungaling. napabalita pa dati na si Sinungaling ay tinagasan ng silicon implant sa kanyang breast.hek hek hek.

Pangalawa,syempre, nauna talaga sa mundo ang magnanakaw, tapos magnakaw kailangan magsinungaling para pagtakpan ang pagnanakaw.Pero hindi masyadong malayo ang agwat nitong dalawang ito.
»»  read more

Monday, January 18, 2010

Tatlong Saving Tips sa Taong 2010-Part 2.


Narito muli ang ilan pang mga Saving tips para sa mambabasa natin. nakalimutan kong sabihin sa nauna kong post na ang tanong na ito ay mula kay Aubz ng Florida, USA. (wow! sosyal-sosyalan na tayo. ayaw ni yuuki ng ganyan.hehehe) may nagtatanong na sa atin mula sa Florida. di kaya taga Pampanga to si Aubz?Si Jaz, nga pala taga Pampanga din. kung saan ang lugar na nagkalat ang mga mestiza na panalo at gusto ni master sol. (mga kakuwentuhan ko po sa Talkph forum.)

Okay, balik tayo sa pagsagot sa tanong na "Ano ang mga Tips na maibibigay mo sa larangan ng pagtitipid". Marami po tayong maia-advice tungkol dyan, para naman dumami din ang post ko. eh. mga 3 lang every post ang ilalagay ko.

Una, wag itapon ang lumang brief. Ang brief, dahil sa taglay na katangian nito ay maraming pwedeng pag gamitan. mainam ang cotton na tela nito na mag absorb ng moisture o tubig. isabit ang lumang brief sa handle ng ref para gawing basahan. bagay na bagay ang brief para doon. makakatipid ka dahil magdadalawang isip ang mga bisita mo na pumunta sa kusina at mag sosyal sosyalang makikialam sa laman ng ref mo. pwede ring panakot sa mga anak. "Hala sige, nandun ang brief ni tatay mo sa ref. wag ka pupunta dun. wag mo bubuksan." sa ganitong paraan, maiiwasan ang pag sara-bukas ng ref nang hindi kailangan.

Next,ang panty naman ay mainam na gawing substitute sa scothbrite or 3M na dish-washing foam. di ito aksayado sa sabon at madaling makatanggal ng sebo ng mga plato at kaldero.pwede ring patungan ng flower base sa center table.

Last, Ugaliing magtipid sa Bathroom tissue, tandaang ang tissue isang uri din ng papel. kaya nga tissue paper ang tawag ng iba dyan. kung ang papel na ginagamit mo sa school ay lagi sayong sinasabi na gamitin mo ang likod para sulatan. ganun din ang gawin sa tissue paper. pagkatapos magamit ang isang side nito, itabi muna para matuyo at magamit ang likod sa susunod :-)


Maraming paraan upang tayo ay makatipid. dapat lang na maging bukas ang ating isipan at ang unang hakbang ay gusto mong magtipid.may kasabihan nga tayo, ang taong nagtitipid, mahigpit ang pangangailangan. :-) goodluck sa pagtitipid at happy blogging.
»»  read more

Tuesday, January 12, 2010

Tatlong Saving Tips sa Taong 2010


Mga mambabasa, nais kong ialay ang post na ito sa lahat ng mga ina nyo! at kung ikaw naman ang ina, para sa iyo ito na walang sawang naghahanap ng paraan para makatipid sa mga gastusin. Ngayong taong 2010 nawa ang mga isusulat ko rito ay tunay na makatulong sa iyong pagtitipid.

Una, Kung bibili ng ketsup siguraduhing sa bote at hindi yung sa sachet ang bibilhin nyo, maniwala kayo sa akin. mas makakatipid kayo kung sa bote ang bibilhin nyo. sinusubukan lang kayong lokohin ng mga kumpanya ng ketsup sa panlilinlang sa mga commercials nila na mas economical ang ketsup sa sachet. simple lang ang dahilan ni Trail, ang bote pag naubos ang ketsup ay pwedeng ibenta, piso isa yan sa mga junkshops dito sa atin. ngayon, para sa ibang bansa tignan nalang sa Price Watch Federation of International Magbobote Inc. . ewan ko kung merong ganun federation! kung ubos na ang ketsup at ayaw nang lumabas ang tira na nasa bote nito, itaob ang bote at paikut-ikotin dahil meron tayong tinatawag na Centrifugal Force na may formula na...

Fcf = mv2/R = 4p2mR/T2 = mv2R

Ibig sabihin ang ketsup ay babagsak din sa gitna ng ulam mong pritong itlog, kung walang wala na talaga ay di na applicable ang formula natin. gumamit ka ng suka o kaya ay tubig, i delute mo sa 10-20ml. na tubig o suka, dadami ulit ang ketsup. wag mo rin kalimutan na ang takip ng bote ay may ketsup pa rin. kunin ng daliri or dilaan para masimot.

Pangalawa, sa electric bill naman. kung ikaw ay napapaihi sa gabi mula sa pagkakatulog, wag mo na buksan ang ilaw, at wag ka na rin sa CR umihi, tutal gabi naman, di ka kita ng kapitbahay kung sa likod ka ng mga halamang santan sa bakod nyo umihi.tipid ka na sa kuryente, nakatipid ka pa sa tubig.

Panghuli, sa tubig. kung carry mo, wag ka na maligo sa inyo. sa opisina ka nalang maligo bago ka mag duty. at bago umuwi sa work, maligo ka ulit para di ka na maliligo pag dating mo ng bahay. ganun din ang pwedeng gawin sa pag tu-toothbrush.tutal, kumpanya mo naman ang nagbabayad ng water bill. siguraduhin lang na walang policy ang kumpanya na against sa pag-ligo mo sa opisina.kung hindi. ayos! goodbye ka.

Nawa ay makatulong ito sa inyo. tinatayang mga P50,000 a year ang perang matitipid mo kung isasapuso ang pag sunod sa mga tips na ito. abangan ulit ang ilan pang mga Saving tips mula sa blog na ito. :-)
»»  read more

Monday, January 11, 2010

Trail, paano mo ba papaalisin ang taong ayaw mong makausap pero hindi makahalatang di ka interesado sa mga sinasabi nya?


Tanong ng isang matalik na kaibigan na taga Batangas kung saan maraming magagandang beach. marami ring magagandang babae.hehehehe

Ang Sagot:

Tamang tama ang katanungan mo. Totoong mahirap nga minsan na sabihin ng deretsahan sa tao na "Hoy! wala akong interes sa mga pinag sasabi mo, nakakatamad makinig sa mga sinsabi mo! at umalis ka na sa harap ko dahil ang boring ng mga pinagsasabi mo!!!". Lao na kung ikaw ay isang taong may kabaitan at hindi kaya ng sikmura mo ang sabihan ang tao ng ganun. Kaso nga lang, ang problema, sige-sige sa pag kwento ang kausap mo at parang walang paki na nakakaistorbo na sya. So, Ito ang original na "How to" para dyan mula sa inyong abang lingkod. take note: ito ay hango sa aking sariling karanasan kaya't garantisado ang effectiveness nito.

Una, subukan ipahalata sa tao na, ikaw ay naiinip na siya ay kausap. subukan mong panaka-nakang tumungin sa iyong suot na relo at ipakita sa kanya na makailang ulit ka nang tumitingin sa orasan na para bang ang bagal ng oras.mas effective ito kung wala kang suot na relo, pero tumitingin-tingin ka pa rin na para bang may suot-suot kang relo.Kung hindi sya makakahatalata rito.subukan naman ang susunod...

Pangalawa, mag kunwaring ikaw ay inaantok at panay-panayin mo ang pag hikab.(hikap para sa iba). sa pagkakatanong ito, humikab ka ng ubod sarap at sadyang palakihin ang bibig, yung magkakasya ang isang sasakyan sa loob sa sobrang sarap at bigay na bigay na pag hikab. mag ingat lang baka mag lock jaw ka, disgrasya tayo dyan.

Pangatlo, at kung di pa rin makahalata, gawin mo ang ginawa ko minsang may dumalaw sa office ko at parang sinasayang lang ang oras ko. di naman ako interesado sa mga kwento nila. take note, nila! dalawa yun, pero nakuha ko silang paalisin ng di ko sila sinasabihan na umalis. ganito ang ginawa ko, nag concentrate ako at inipon ang lahat ng hangin na pwede ko ipunin. Habang nakikinig kunwari ako sa kanila, Matahimik at buong taimtim akong umutot, nagsimulang baybayin ng hanging ubod tamis ang kabuuan ng kwarto. nag kunwari akong walang naaamoy at matamang nakikinig sa kanilang kwento, pero ang hangarin ko ay pag-isipan nila na sa akin galing ang kakaibang amoy. di nagtagal ay nagpaalam sila sa akin. pinipigil ko sila pero may dadaanan pa raw sila. Agad silang umalis at mula noon hindi na sila dumalaw sa office ko. pero kumalat ang usap-usapan sa buong magbabarkada at pati sa mga dating mga girls na may crush sa akin na malupit ang kamandag ng utot ko.hehehehe
»»  read more

Friday, January 8, 2010

The spirit is willing but the body is weak.


Today,I woke up about 5am.My wife was waking me up but i pretend to be sleeping still. For some reason I can't get myself to stand up and do what I promised her the night before I went to bed, (I only have one thing in my mind before I went to bed last night, that was to wake up early the next day and start running again!)I told her I can't do it today. not this time for I tried to go to sleep as early as I can last night but I just couldn't! I think I went to sleep by about 11pm. She didn't try to wake me up again, She knows me more than anybody else, If i Said I will do it! heck! I will! When will I do it? that's the one million dollar question.hehehe

By 6am I looked through the window while still lying in my bed, I saw outside it's still dark.I told myself I have to start running again, I must. I dressed up, I was so excited i forgot to even brush my teeth and comb my hair, I will not be talking to anyone anyways, I said to myself.hehehe.Grabbed my PAIR OF OLD RUNNING SHOES, the only running shoes i have. Grabbed the car key and I drove off to the place i used to rule.the nearest park in front of the village right in front of my small office. Yeah. I used to run, and I said Run! run the whole park for two hours straight.People used to know me as the young guy whom the first to run in the morning and the last to leave the place. old ones will from time to time joke around and say "ganyan ako kalakas tumakbo kay trail nung kabataan ko din". I would give a glance and smile at them as a sign of respect as i pass them by.I was so addicted to running, my ex girlfriend (she's my wife now, that's why she's my ex.-kopimeyt for my coffee, make sense to me.lol) would see my whole body literally smoking. i guess it's because of my body heat plus the coolness of early morning mist.

I parked my car, took a deep breath and got out of the car. some familiar faces.hehehe some recognized me. "Long time no see!" couple of old guys greeted me. "good morning po", I replied. I am kinda shy nobody expecting to see me a hundred pounds heavier!!! lol. Everybody was looking at me.hahaha. I don't mind actually. I am comfortable making fun of myself.I told myself, "You are a heck of a fat guy in jogging shorts, white cotton shirt and a pair of old black running shoes, Heck! everybody will be really looking at you when you start walking,FAT GUY!.hehehe
As I start warming up. I became more convince that I really am a hundred pounds heavier.LOL! after about 5-10mins I decided to give jogging a try! wow! It only took about 100 meters, Then I feel my heart STARTS POUNDING! Woo ow.... while grasping for air, (I think every oxygen in the universe is needed for me to catch my breath).I said to myself, Man! you really have something biiiig to work out. I didn't even try to run, I was afraid it could kill me! lol. for about an hour, I walk and jog, walk and jog. Not that satisfied with today's effort but I knew that's all I can do for now.Tomorrow, I will make it harder, more jogging than walking. I can rule that running park once more. I will.
»»  read more

Thursday, January 7, 2010

For a Change... I Hope.


Hmm..... a friend took some pictures while I was asked to give an inspirational lecture to people about Family Relationship. Yeah That's Me up on the stage trying to convince people about changing their expectations during family gatherings. It's just one part of the whole lecture. I notice i changed a lot. yeah, a lot. specially right there on the tummy part. i used to have a washboard abs! now it's just an ab! since the muscles transform into a couple of big love handles on the side.

This is my goal and I am posting this up here in this blog. My March 2010 I will be fit again and start climbing mountains. By the time my second child be born, I am off to being his mom's good looking boyfriend.again... join me, as i conquer myself.
»»  read more

Cebu Pacific denies discrimination raps


Hmmm.... Pansumandali pong, bibitiw si Trail sa Normal na blog posting nya Upang talakayin ang Isang Abnormal na pangyayari or siguro ay nagpa init ng ulo ko ng ikuwento ng misis ko sa buong magdamag.opo, buong magdamag syang nag kwento.hehehe(di tuloy namin magawang mag niig ng gabing iyon...aawww!) Sa galit ko ay muntik na akong mag inom ng alak. buti na lang, naalala ko, hindi na pala ako umiinom.

Reports said that Marites Alcantara and her son, John Arvin-who is suffering from Global Development Delay, a condition that delays a child's ability to acquire motor skills as fast as normal kids., were asked to deplane by cabin crew who informed them of the company’s policy banning special children to board the plane last December 23.

“Cebu Pacific has no policy that discriminates against persons with special needs. The attempt to offload a passenger with developmental disability on a Dec. 23 flight from Hong Kong to Manila was a result of the cabin crew’s misinterpretation of government regulations designed to assure the safety of passengers,” the airline’s statement read.

Ay naku! Kung si John Arvin ay may Global Development Delay, yung cabin crew DELAY ANG UTAK!!! (parang tulad sa marami sa mga flights nila.)hehehe mas seryoso pa ang problema kaysa sa batang si Arvin. gaano na kaya katagal ang cabin crew na ito sa work nya at misinterpreted pa ang policy?!! Nag-iinit talaga ang ulo ko!

May suggestions naman ako, sabi ng CHR (Commission on Human Rights) Madam Chair Leila de Lima dapat daw mag karoon ng retraining sa Hanay ng mga taga Cebu Pacific. With all due respect Madam Chair Leila de Lima, Idol ko po kayo kasi magaling nyo, pero Si Trail ay may mas malupit na suhesyon, itali na lang po natin sa pakpak ng eroplano ang cabin crew na yun para po malanghap nya ang lahat ng UV lights and UV dust sa Kalawakan. baka po sakaling maging tulad ng purefied water and utak nya na nag daan sa UV filter at reverse osmosis dahil kailangan po yatang baliktarin ang utak nya.

Si John Arvin ay isang batang may espesyal na pangangailangan, at hindi sya deserving diskriminasyon at misinterpretasyon ng mga polisiyang matagal nang nandyan para sana protekhan at mabenipisyuhan ang tulad nya.

Ang alam lang ata ng cabin crew na yun ay magpalaro ng "Bring Me game" sa kalawakan. at take note, slang pa habang nagpapa "Bring Me", Naalala ko tuloy nung minsang sumakay ako ng cebu pacific papunta sa davao para umakyat sa Mt. Apo. natapon ang baon kong adobong baboy, Pinadamihan ko pa naman ang sabaw sa nanay ko para pagbaba namin ay may makain ako sa campsite. kaso nga natapon, ask ng crew, kaninow ang adobow? hehehe. hindi ako umamin. pero nakita na sa backpack ko nanggagaling ang tulo. Sir, sa inyo po ba ang packpack na ito? sabay turo sa packpack na malaki sa itaas ng ulunan ko. tumingin ako sa katabi ko, "Tengo hambre, señor, Tengo hambre, señor!" (I am hungry sir in spanish.-yun lang ang alam kong spanish phrase.) tumingin ay crew sa akin at nanlaki ang mata.sa loob loob ko, ayos, lusot!hehehe. sabay sabi ng crew "Sé que tu me causa orgullo puede hablar español" (i know your proud cause i can speak spanish). tingin ako sa kanya, nilakihan ko ang ngiti ko at sadyang pinaliit ang mga mata ko. sabay sabi ko. "Ah, oo. sa akin yung adobo, sorry.. natapon. sabay senyas ng peace sign. Tawanan ang mga Tropa sa likod sabay sigawan, IDOL ka talaga namin Trail!.hehehehe
»»  read more

Tuesday, January 5, 2010

Kuya Trail, ano ba yung sinasabi ng kuya kong BURNEK?


Tanong po mula kay Carlo na pinsan ni pareng Benj taga pulang lupa Las Piñas.

Paunawa, siguraduhing kayo kay nakakain na bago ituloy ang pag babasa sa post na ito. medyo maselan. ngunit kung buo ang loob nyo, hala... sige enjoy reading.

Ayos!! (Ang kuya Benjo mo talaga. sa akin pa ipinasa ang problema na hindi kayang ipaliwanag sa iyo.)

Ang Burnek ay totoong nag e-exist, isang uri ito ng buhok na sa pagkaka alam ko ay mga lalaki lang ang meron. Natagpuan ni Carlo ang Blog na ito sa Pagnanais nyang matuklasan ang isang bagay na matagal nang magpapagulo sa kanyang isipan. Dito sa Itanong kay Trail, I Dare to tell the truth (well... just always refer to this blog's disclaimer at the a bit upper right corner.) Kung saan kakaunti lang kung meron man na naglalakas ng loob na isiwalat ang mga sagot sa mga tanong na minsan ay di mahanapan ng kasagutan.

Okay, bumalik tayo sa Burnek. ayon sa urban dictionary, ang Burnek ay yun nga... buhok na taning sa mga lalaki tumutubo.hmm.. bakit nga kaya sa mga lalaki lang? hehehe.

Ang Burnek ay ang buhok sa puwet.tanging mga kalalakihan laman ang meron nito..(paulit-ulit na ako.) pag sumabit ang pupu sa buhok, yun ang BURNEK!

Ngayon, may isang bagay pa akong gustong isiwalat sa iyo Carlo at sa mambabasa narin. ang burnek ang pinaka mahabang uri ng buhok. paano ko ito nasabi? dahil ang burnek ay kadugtong ng mga pilikmata ng lalaki. dahil kung susubukan mong bunitin ang Burnek mo, sumasama ang pilikmata mo at ikaw ay napapapikit.kasi nga, mag karugtong sila. kaya kung gusto mong bunitin ang burnek mo, pumikit ka ng ubod diin at biglang hilahin ang burnek para mabunot. good luck naman.

Kung ikaw naman ay babae at gusto mo ring mag ka burnek! pwede ka naman gumamit ng hair grower para dun.hehehe. Paalala lang, ang Burnek ay tila hindi pwedeng pa rebond sa mga parlor. hehehehe
»»  read more

Monday, January 4, 2010

bakit kailangan mong malaman kasarian ng nagtatanong?


Tanong mula po kay yuuki. (na may roong PR3 na blog.WOW!) bisitihin ang mga listahan ang Link Exchange Page ng blog na ito para sa blogs ni yuuki na kay gaganda. yung 2nd to 4th blogs ay blog nya lahat.

Actually, dalawa po ang tanong nya, yung isa po ay "Bakit wala kang bagong post?" So, hindi ko na po sasagutin yun dahil nag post na nga ako. parang pang 3 na ata itong post sa taong dalampu't sampu. O, year 2010.

Para sa sagot, Sa totoo, noong una walang paki alam ang inyong lingkod sa kasarian,maging ikaw man ay Lalaki, Babae, maging sa pagkatao ng tagapag tanong dahil nais ko pong panatilihin na para sa lahat at walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, ngunit pawang mga katotohan at hindi kalokohan ang blog na ito.(kung kaya mong kayahin ang boses ni Mike Enriquez basahin mo ulit ng ginagaya ang boses nya... begin.... walang kinikilingawn, walang pinoprotektahawn, ngunit pawang mga katotohanawn at hindi kalokohawn ang blog na itow!!!. yan! parang ka-boses mo na nga.)Pero nang lumaon nag karoon na rin ako ng paki dahil balak kong mag buy and sell ng mga underware na hinabi mula sa pinya na galing sa Bukidnon, maganda ang underware na ito na gawa sa pinya. parang barong tagalog lang na mula pa sa lukban.hehehe. (ANG KATI SIGURO NUN!!!. panty at brief na gawa sa PINYA!!! wahahahaha.) pwede mong pa personalize, lalagay ang initial mo sa pamamagitan ng burda.hehehe. parang yung lampin mo lang noong araw na may nakasulat na butotoy o kaya ay Neneng.At ang pinaka maganda dito ay para kang nilalanggas habang suot mo ito. Sa taglay na katangian ng pinya, di mo na siguro kailangan ng feminine wash kung ikaw ay babae. Pwede rin naman na hindi Personalize dahil may design na sya kasi hindi tinangal ang mga mata ng pinya. Kaya, kakailanganin ko ang kasarian ng mga tagapag tanong dahil sila ang una kong aalukin ng bago at naiibang underware na lalabas ngayong taong 2010. sila ang una kong bebentahan, at lahat ng ma magtatanong at nagtanong na ay bibigyan ng 50% discount na makukuha lamang kung ikaw ay mambabasa at nakapagtanong na sa Blog na ito.

HAPPY NEW YEAR!!!!
»»  read more

Friday, January 1, 2010

Totoo bang December 25 isinilang si Jesus?


Tanong po mula kay Jas, nasa Link Exchange na po ang kanyang blog.

Ang Sagot.

TOTOO! Dec.25 ang totoong kapanganakan ni Jesus. ang dami ang nagtatalo-talo tungkol dito. Actually buong mundo ay di magkasundo dito at may iba-iba silang mga theory tungkol sa bagay na ito.

Sa totoo lang, nagtataka ako kung bakit hindi nila maintindihan at bakit ayaw nilang paniwalaan ang katotohanang si Jesus ay pinanganak sa petsang December 25. Ang tatay ni Jesus para sa kaalaman ng lahat ay Si Elmer, mas kilala sya sa tawag ng lahat na Mang Igme. Nanay nya si Aling Acai, pero maliit pa ako ang tawag na namin sa kanya ay Aling Akang.

Actually, kaibigan kong matalik si Jesus, pero ngayon, mas madalas na syang tawagin ng mga kababata namin na "Bro." simula kasi nang may pinalabas sa channel 2 na " May bukas pa", yun na ang tinawag sa kanya, at ako naman, dahil nga malapit ako kay "Bro" tinawag ako ng mga kaibigan namin na... nahulaan nyo ah.! tama. "Santino" ang tawag nila sa akin.

December 25,1977 pinanganak si Bro o si Jesus para sa mas malapit sa kanya. ang totoong Pangalan nya ay Jesus dela Cruz.


Ito nga pala ang isang picture namin ni Bro. kasama mga friends. ako yung nasa gitna at si Bro yung nasa kanan ko. college days namin ni Bro yan.

Ngayon, kung tungkol naman kay Lord ang tanong mo. ay sa ibang blog natin sasagutin yun. mahaba habang paliwanagan yan.
»»  read more
Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.