About The Author

A father,loving and sweet husband my wife says.cool dad.funny according to my friends.

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Thursday, February 18, 2010

6 Months Sir! The Replacements...


I went to Camp Gregorio Lim sa Ternate to address more than 500 Philippine Marine Trainees. On the way sa base nila, Naramdaman ko parang papunta rin akong subic. maganda, I enjoyed traveling and I enjoyed the scenery.another thing is I am not the one driving.hehehe I once dreamed of being a military man. I dreamed of me having a higher rank, a young captain or major perhaps. I dreamed about it. Pero, iba pala ang plano ng Lord. gusto nya pala akong gawing matinee idol.hahahaha. Pero sabi ng nanay ko "anak, mag-aral ka muna bago ituloy ang pag aartista." kaya pinakinggan ko ang nanay ko. kaso, nung mag decide na akong magbalik pelikula,wala na ang mga fans ko. iba na ang hinahangaan nila. (wag na kayo kumontra, blog ko naman ito)

Anyways, Post ko yung ibang mga pictures ko with some of my friends taken when we were there sa marine base. (yung image sa na nakalagay dyan ay kuha ko lang sa google images.) I saw and met the trainees there. from 20 to maybe 23 yrs old. sa batch nila, 14 ata ang mga babae. nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. these young fellows, leave their homes, leave their parents,( possibly some of them may have a family or young child. but I can't imagine it since it seems what I have in front of me is a bunch of young adults who just recently finished high school undergoing massive heart pounding training.) They are the few but proud marines too be.Parang kinalimutan din nila ang paglalaro. naging saglit lang ang naging experience nila ng pagiging kabataan.Siguro maaaring pangarap nga ng marami sa kanila na maging magiting na sundalo na magtatanggol sa bayan natin. Marahil ang iba ay ito ang naging paraan para kapalit ng pagtataya ng sariling buhay sa panganib ay ang pagkakaroon ng disenteng trabaho at kita. Nalungkot ako, naisip ko na parang mga nakababatang pinsan ko lang sila, ilan sa mga nakababatang kaibigan ko. While some of my friends talked to the marine officers,I talked to few of the trainees. they were allowed to fall out sa formation dahil nga nandun kaming mga bisita nila. Nalaman ko na sila ay mag te-train ng 6 months and then off to front line in mindanao they go.The thin red line.Sila ang mga magiging replacements.they came from different provinces, laguna, cavite, zambales, name it. I tried to smile and laugh with them while they were telling me some jokes and tried to laugh about their selves and their training. Pero sa kabila noon, nalungkot ako. tinatanong ko ang sarili ko, ilan kaya sa kanila ang makakabalik pa sa kanilang tahanan? ilan kaya sa kanila ang makakapag mano o makakahalik pa ulit sa kanilang mga magulang?ilan kaya sa kanila ang muli pang mahahagkan ang kanilang sinisintang mahal? ilan pa kaya sa kanila ang makakalaro pa o mahahalikan pang muli ang kanilang bunsong anak? Ilan kaya sa kanila ang makakauwi pang buhay? Pinigil ko ang luha ko, at pinilit na ngumiti habang masaya silang nagkukwento ng kanilang karanasan.

Sana wala nalang digmaan, Sana wala na lang gulo o away sa pagitan ng di magkatugmang paniniwala at pamantayan sa buhay.Para sana,wala nang kabataan na magsasakripisyo o mga magulang na mawawalan ng anak,wala na sanang asawa na bibigyan ng nakatuping bandila, o anak na sa murang edad ay mauulila.Sana...Sana...



3 comments:

Anonymous said...

My close friend is a Lt. who is also in mindanao serving as Philippine Marine. Sana din, maraming makabasa ng Post na ito sa Blog. Thanks

mike tan.

Anonymous said...

Trail,
Papano mo napapagsama sa isang post ang masaya, malungkot, seryoso, at kwelang mga bagay? nakaktuwa lang isipin na pinipilit mo pa ring magpatawa although you are talking about seriuosm heart felt issue.
bagong tagasubaybay,
Lorainne from Down Under.

trail sign said...

naku. naku. pasensya na po at ngayon ko lang talaga nabisita muli ang blog na ito. salamat po sa comments.

Hello lorrainne. wow! sarap suguro dyan sa Oz.

Post a Comment

Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.