About The Author

A father,loving and sweet husband my wife says.cool dad.funny according to my friends.

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Tuesday, February 2, 2010

Totoo po bang Dating Member ng Ninja Turtle si Pong Pagong?



Kuya Trail, Sabi po ng Kuya ko, dati daw pong member ng teenage mutant ninja turtle si pong pagong. totoo po ba ito? bakit po wala sya sa mga napapanood kong ninja turtle cartoons?

Tanong po ng isang nakababatang mambabasa natin. Maraming salamat sa iyo, nawa ay nakapupulutan mo ng mga aral ang blog na ito. para naman sa kasagutan sa tanong mo.


Opo. totoong member ng pamosong Teenage Ninja Turtle si Pong Pagong.Ang orihinal na miyembro ay sila, Leonardo, Donatello, Rafael, Michelangelo, at Pong Pagong. Lima silang napulot ni Master Splinter-ang kanilang sensei at adopted father. Tinuruan sila ng the way of ninjutsu. Kaya lang napansin ni Master Splinter na, kakaiba ang kinikilos ni Pong. Abnormal sya at masyadong isip bata. Immature kung baga. at puro kangkong lang ang gusto kainin. puro laro lang ang inaatupag. pinatingin ni Master Splinter si Pong sa Child Psychiatrist at dito nalaman na sya pala ay may problema sa pag-iisip. kaya tinanggal sya sa team at pinadala na lang sa Pilipinas para mag audition sa Batibot. dahil nga isip bata si Pong ay nakapasa naman sya sa Batibot at naging bida din naman, malayo nga lang sa career ng mga kapatid nya sa States.



2 comments:

Thet said...

hmmm ganon pala yun.... noong bata ako mahilig ako manood ng batibot... si pong pagong pala dati member nang teenage ninja turtle... salamat sa impormasyon mo Trail... LOL

nvtellan said...

Baka naman matured enough na si Pong Pagong ngayon. Sana magkaroon sya ng sariling teleserye dito. Ang theme ng teleserye nya? syempre mala-ninja turles din. papatok kaya? hehe

Post a Comment

Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.