Tay, bakit dyan ka matutulog sa bundok, may bahay naman tayo? hehehe. di ko maiwasang mapangiti at matawa nang marinig ko ang tanong na iyan sa magtatatlong taon kong anak na si Gian. hehehe. Tumawag sila ni nanay nya sa akin para mag good night, sunday ng gabi habang ang mga kasama ko sa pag-akyat ay nagluluto ng aming hapunan. Sa totoo, di ko na mabilang kung ilang beses ko nang naakyat ang Mt. Maculot. pero, di maitatanging ito ang isa sa mga paborito kong bundok. para sa mga baguhan sa pag-akyat kung ituring ang di kataasang bundok na ito. pero bugod sa malamig sa itaas at magandang tanawin, laging iba ang experience mo sa bundok na ito. Lagi ko ngang sabi, palaging iba ang io-offer ng Mt. Maculot every time you will climb this majestic mountain.Pero ang hindi ko pinapalampas every time ako naakyat dito ay ang loming batangas na mabibili sa maliit na palengke ng bayan ng cuenca.
Matagal-tagal din akong hindi nakaakyat. siguro dahil bumigat ako at hindi na naging fit ang aking mula sa mala Jay Cuencang katawan ay naging mabigat at mataba.hehehe. yun rin ang dahilan bakit gusto ko na ulit umakyat at nasa journey ng pag babawas ng timbang.Sobrang Malas!!!

sa itaas,early morning. sa likod, ang haring araw ay pasikat na.
sa ibaba, nakahiga sa lupa.gabi habang naghihintay na maluto ang food namin.





2 comments:
hi trail welcome back :)
ang cute mo dun sa last pix mo kamukha mo si gian :)
Wow! Sarap siguro ng feeling kapag umaakyat ng bundok. Isa rin iyan sa gusto ko ma-experience sa tanang buhay ko.
Pero nung maliit ako umaakyat din naman ako ng bundok.. bundok ng graba at buhangin kapag nagpapatayo ng bahay ang mga kapitbahay namin. Yun nga lang nde pa uso ang cameraphone noon.. dami ko sana pictures sa tuktok ng mga bundok na ito. hehe
Hindi ba malamok dyan? Maraming insekto? Ahas? Mumu o lamang lupa? hehe
Post a Comment