About The Author

A father,loving and sweet husband my wife says.cool dad.funny according to my friends.

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Monday, January 4, 2010

bakit kailangan mong malaman kasarian ng nagtatanong?


Tanong mula po kay yuuki. (na may roong PR3 na blog.WOW!) bisitihin ang mga listahan ang Link Exchange Page ng blog na ito para sa blogs ni yuuki na kay gaganda. yung 2nd to 4th blogs ay blog nya lahat.

Actually, dalawa po ang tanong nya, yung isa po ay "Bakit wala kang bagong post?" So, hindi ko na po sasagutin yun dahil nag post na nga ako. parang pang 3 na ata itong post sa taong dalampu't sampu. O, year 2010.

Para sa sagot, Sa totoo, noong una walang paki alam ang inyong lingkod sa kasarian,maging ikaw man ay Lalaki, Babae, maging sa pagkatao ng tagapag tanong dahil nais ko pong panatilihin na para sa lahat at walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, ngunit pawang mga katotohan at hindi kalokohan ang blog na ito.(kung kaya mong kayahin ang boses ni Mike Enriquez basahin mo ulit ng ginagaya ang boses nya... begin.... walang kinikilingawn, walang pinoprotektahawn, ngunit pawang mga katotohanawn at hindi kalokohawn ang blog na itow!!!. yan! parang ka-boses mo na nga.)Pero nang lumaon nag karoon na rin ako ng paki dahil balak kong mag buy and sell ng mga underware na hinabi mula sa pinya na galing sa Bukidnon, maganda ang underware na ito na gawa sa pinya. parang barong tagalog lang na mula pa sa lukban.hehehe. (ANG KATI SIGURO NUN!!!. panty at brief na gawa sa PINYA!!! wahahahaha.) pwede mong pa personalize, lalagay ang initial mo sa pamamagitan ng burda.hehehe. parang yung lampin mo lang noong araw na may nakasulat na butotoy o kaya ay Neneng.At ang pinaka maganda dito ay para kang nilalanggas habang suot mo ito. Sa taglay na katangian ng pinya, di mo na siguro kailangan ng feminine wash kung ikaw ay babae. Pwede rin naman na hindi Personalize dahil may design na sya kasi hindi tinangal ang mga mata ng pinya. Kaya, kakailanganin ko ang kasarian ng mga tagapag tanong dahil sila ang una kong aalukin ng bago at naiibang underware na lalabas ngayong taong 2010. sila ang una kong bebentahan, at lahat ng ma magtatanong at nagtanong na ay bibigyan ng 50% discount na makukuha lamang kung ikaw ay mambabasa at nakapagtanong na sa Blog na ito.

HAPPY NEW YEAR!!!!

4 comments:

Unknown said...

joke lng ung tanong ko...wala lang maisip...hehe...

pa order nga ako, bigay ko s mga friends ko (sweet no?)...

trail sign said...

ang sweet mo naman yuuki. para ka ring pinya.hehehe. maganda ang naisip mo pag bulk order may special quote ako dyan. makakamura ka.

solidus37 said...

underware na pinya har har har.

di ba makati yun?

Thet said...

basta ako ayoko nyan kahit may discount pa...hehehhe

Post a Comment

Trail's All Time Favorite Song... Listen to it.